XV

4.5K 149 13
                                    

Alyssa's POV

May pasok at training na naman ngayon. Hayyyy.

We already know about what Deanna and Ara talked about nung Saturday at hindi na kami natakot sa mga nalaman namin dahil ganun naman talaga e. Kapag sikat o mataas kang klase ng tao, basta may connection sayo, gagamitin nila yun panlaban sayo.

Hindi pa rin namin nasasabi kina Den ang tungkol dito dahil natatakot kami na baka yun pa ang maging reason kung bakit nila kami lalayuan.

"Dude! Pinapatawag tayo nila Coach. May sasabihin daw sila." Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Maddie.

"Let's go." Sabi ko at dali-dali kaming lumapit sa kanila.

"What is it Coach?" Deanna asked. Bumuntong-hininga si Coach O.

"Hindi daw matutuloy ang UAAP this season." Malungkot niyang sabi.

"What?!"

"Oh my what happened?"

"Hala!"

Iilan lang ang mga yan sa naging reaksyon ng mga players. Syempre pati ako ay nagulat kasi sayang naman ang pinag-training nila kung hindi rin matutuloy ang UAAP.

"Nagka-problema daw sabi ng management. There are some riots going on different universities at involve dito ang ibang players kaya injured ang iilan sa kanila." He explained.

"Yun din ang pinagtataka namin dahil hindi na-handle ng mga faculty members ang mga riots na nangyayari sa university nila. I guess, that gang have so much power to this." Ate Dzi added. Sh*t! Is this part of Fhen's plan? Oo, may mga gangs din sa ibang university pero ngayon lang may nabalitang ganito.

Bakas naman sa mukha ni Deanna ang pag-aalala knowing na may kaibigan din kami outside the university.

"Pero sayang naman po ang pinag-training namin. Yung oras, pagod at hirap." Disappointed na sabi ni Jema.

"Walang sayang doon girls. At least you have learned something from us even for a short period of time." Jia said and smiled.

"And besides, pwede pa naman kayong maglaro next year for the blue and white shirts." Sabi naman ni Coach Vince para icheer up ang mga players.

"So we will no longer have to train po?" Jho asked.

"As of now until the management gave us some information about the UAAP." Coach O answered. Tipid lang silang tumango.

"Anyway, what about our stay in the dorm?" Tanong naman ni Kat.

"You can ask Boss D. Sila naman ang may-ari ng school kaya siya rin ang magde-desisyon." Sagot ni Ate Dzi. Oo nga naman.

"Huh? Si DW ang may-ari ng school na toh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jema. What the! Hindi nga pala nila alam ang tungkol dun.

"Siya dapat ang sumagot ng tanong mo Jema. Pwede muna kayong umuwi sa dorm habang hindi pa nagsisimula ang klase." Pag-iiba ni Coach Vince.

"Sige po Coach. We'll go ahead na." Deanna said at naunang lumabas.

Nakakailang steps pa lang ako nang bigla akong hawakan ni Ate Dzi.

"Tawagan niyo ako kapag pupunta kayo sa ground mamaya. Sasama kami ni Jia." She whispered kaya napatingin ako sa kanya.

"We will Ate. Ingat kayo ah." Sagot ko sa kanya.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now