II

5.4K 149 0
                                    

Jema's POV

"Hayy! Buti naman natapos ang first day natin ng walang away na naganap." Sabi ni Ponggay habang nalilibot namin ang campus. Maaga kasing natapos ang afternoon class kaya nagpagpasyahan naming lumibot dito.

"Ang ingay mo Pongs." Inis na sabi naman ni Yumi. Tahimik at seryoso kasi ito. Mahilig magbasa ng books at gusto ng tahimik na atmosphere.

"Hahaha. Masaya lang yan Yumi. Pagbigyan mo na." Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Ced. Itong si Celine naman ay responsable, at takot magcommit sa isang relationship dahil ayaw niya daw mapaglaruan.

Ako, si Denden at Jho, masusungit, amazona, pero kalog din. Si Ponggay naman ang pinakamasiyahin talaga samin.

"Halos nalibot na natin ang buong Ateneo. Hmm san tayo pupunta nyan?"  Tanong ni Denden.

"Punta muna tayong soccer field. I want some fresh air." Maarteng sagot ni Jho.

"Ang arte mo naman Maraguinot. Kahit dito nga lang fresh air na e." Natawa naman sila sa sinabi ni Ced maliban kay Jho na napairap lang.

Naglakad kami papunta sa soccer field. Madami-daming students ang nandito dahil nga maagang natapos ang afternoon class.

"Hi." Sabi ng isang babae na lumapit samin.

"Uhm h-hello." Nahihiyang sagot naman ni Pongs. Nakatingin lang naman kami nila Ced, Jho, Den at Yumi sa kanila.

"Haha freshmen kayo right?" Nagawa pa niyang tumawa huh. Close tayo teh? Charot.

"Yes." Natawa na naman siya dahil sa walang ganang sagot ni Jho.

"May problema ka ba samin?" Tumigil siya sa pagtawa dahil sa pagsusungit ko.

"Wala naman. I just want to know you guys but I think you don't want me to be your friend. So bye." Naglakad siya paalis.

"Aba, baliw ata yung babaeng yun. Kakausapin tayo tas tatalikuran lang. Galing niya!" Sarcastic na sabi ni Denden.

"Hay nako! Manahimik na nga lang kayo. Bakit hindi niyo hayaan? Mas okay nga yun na walang ibang lumalapit at nakikipag-kaibigan satin." Inis kong sabi na ikinatahimik nila pero nagsalita si Yumi.

"Jem, we need to make friends sa mga students dito lalo na't freshmen tayo kaya kailangan nating makisama." Napanganga tong mga kasama ko dahil sa sinabi ni Yumi.

"Hmp okay. Basta pumili naman kayo ng pakikisamahan." So ayun, nagsipagliwanag ang mga mukha nila dahil sa pagsang-ayon ko.

"Nga pala, laganap pala dito ang mga gangsters ah." Pag-iiba ni Ponggay sa usapan.

"You're right. Akala mo nga sila ang hari at reyna dito sa school." Gantong naman ni Ced.

"Feeling ko type ka ng Fhen na yun Jema." Napatingin ako kay Den dahil sa sinabi niya.

"Tsk. Whatever." Sabay irap ko sa kanya.

"Asuss, pakipot ka pa." Sinundot naman ni Ponggay ang tagiliran ko.

"Gaston tigilan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at agad naman niyang itinaas ang dalawang kamay niya bilang pagsuko.

"Umuwi na tayo. I want to rest na." Aya samin ni Yumi.

"Tara." Sang-ayos namin at tumayo.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapatingin sa ibang students dito. Alam na alam mong gangster sila dahil may bandana sila sa ulo at feeling ko, gang name nila ang nakasulat doon. Naalala ko tuloy yung gangster dun sa room namin. Yung DW ba yun? Kahit babae siya, ang lakas ng dating lalo na yung cold presence niya. Oo natatakot ako pero syempre hindi ko pwedeng ipahalata. Don't get me wrong ha. Di ko siya type! Duh!

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now