I

6.3K 154 2
                                    

Jema's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Omygosh! Anong oras na?!

Napabalikwas ako at tinignan ang oras. 8 am na! Sh*t naman! First day na first day late ako!

Pumasok na ko sa cr at ginawa ang morning routine ko. Pagkababa ko mukha nila Jho, Denden, Ponggay, Celine at Yumi ang nakita ko.

"Hoy Galanza! Bilisan mo na dyan! Sa school na lang tayo kumain at late na kami dahil sayo oh." Inis na sabi ni Jho. Mas masungit pa ata to sakin e.

"Oo na. Wag na maraming sinasabi." Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse.

Pagkarating namin sa school wala nang students sa hallway kaya nakaramdam kami ng kaba.

"Ghad. Late na tayo." Sabi ni Pongs habang tumitingin sa paligid.

"Bilisan niyo na lang kaya maglakad para makarating na tayo sa Dean's office." Binilisan naman namin ang paglakad dahil sa sinabi ni Den. Kailangan pa pala naming kunin yung sched namin. Naku naman!

"Good morning Dean." Bati ni Yumi sa Dean na masama ang tingin samin.

"What's good in the morning? Freshmen kayo right? Then you're late!" May diin niyang sabi kaya napayuko ang mga kasama ko.

"Can you just please give our schedules? Mas male-late kami kung pagsasabihan mo pa kami." Walang ganang sabi ko kaya mas lalong sumama ang mukha niya.

"Bastos kang bata ka! Heto! Magsi-alis na nga kayo!" Padabog niyang binigay ang sched at kinuha yun ni Jho.

Lumabas kaming agad sa office at naglakad papunta room.

*Tok tok tok*

Bumungad samin ang isang lalaki. Professor ata to.

"Good morning Sir. Sorry we're late." Sabi ni Yumi.

"It's okay. Wag lang mauulit. Freshmen ba kayo?" Tanong niya. Hayyy, buti na lang may pagkamabait itong first prof namin.

"Uhm yes. Pwede na po ba kaming pumasok?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Hahah sure. Mukhang excited na kayong makilala ang mga classmates niyo. Come in." Binuksan niya ng todo ang pintuan para makapasok kami. Lahat sila nakatingin samin.

"Okay class, sila ang bago niyong classmates. They are freshmen lang so be nice to them." Sabi ni prof. "Introduce yourselves."

"Hi! I'm Ponggay Gaston."

"Ayumi Furukawa."

"Denden Lazaro."

"Jhoana Maraguinot.".

"Celine Domingo."

"Jema Galanza." Walang ganang pagpapakilala ko.

"You may take your seats." Naglakad naman kami papunta sa may bandang likod dahil doon lang may vacant.

Napansin kong seryosong nakatitig samin ang anim na gangsters?

Umupo kami sa may harapan nila. at nakinig na lang kay prof.

"Gangsters ba yan?" Pabulong na tanong sakin ni Jho.

"I think so." Sagot ko.

"Nakakatakot sila." Sabi naman ni Ponggay. Ang ingay naman ng mga to!

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now