XVIII

4.3K 134 33
                                    

Mika's POV

Buti naman binigyan ako ng POV ni Author. Make-kwento ko na rin sa inyo ang buhay ko. HAHAHA!

So back to the reality tayo.

Nandito kami sa room namin ni Myla nang may narinig kaming mga nag-uusap sa tapat ng dorm.

Mukhang nagkakasiyahan sila.

"Tignan natin kung sinong nasa labas." Aya ni Myla. Hindi pa ako nakakasagot ay agad siyang naglakad palabas ng kwarto.

Napailing na lang ako. Kinuha ko muna ang cellphone ko at sumunod sa kanya sa may balcony.

Nasa labas sina Jema at ang Replec.

"Pano ba yan, dito na lang kami. Thank you sa pagsabay." Sabi ni Jho.

"Wala yun. We just want to make sure na uuwi kayo ng ligtas." Sagot ni Nico at ngumiti pa sa kanya.

Nagpaalam na rin sila sa iba at pumasok sa dorm.

Pinuntahan namin sina Kat at ang iba. Sinenyasan ko silang sumunod samin. Umupo muna kami sa may hagdan kung saan hindi nila kami makikita.

"Hayyy!! I can't do this guys!" Rinig kong sabi ni Jema.

"Me too." Yumi said.

"Guys, we need to do this. Matatapos din ito okay? Kapit lang." Pag-cheer up ng isa na sa tingin kong si Den yun.

"Oo nga. Balang araw, SV na ang makakasabay at makakasama natin." Sang-ayon ni Jho.

"Kaya niyo pa?"

Napalingon sila sa gawi namin ni Myla.

"Siguro." Sagot ni Celine.

"Sana huwag kayong papaapekto sa kung anong gagawing ng SV dahil sa nagawa niyong pag-iwas at paglaro sa kanila. Paniguradong magbabago na naman ang mga yun." Paalala ni Kat.

"Kilalang kilala niyo na talaga sila noh." Ponggay said.

"Oo naman. Sa tinagal-tagal ba naman naming magkakasama." Sagot ko.

"Paano ba kayo nagkakilala? Alam mo ba ang real identity nila?" Kunot-noong tanong ni Den.

Bumaba kami at umupo dito sa couch.

"Well, definitely yes. But for now, we can't tell you kung paano kami nagkakilala. Siguro mas maganda kung sila mismo ang magke-kwento sa inyo non." Jules replied.

Kilalang kilala na taglaga namin sila. Kung anong klase ugali meron sila at ang kanilang pagkatao. Makikilala niyo rin sila sa tamang panahon Jema.

Lahat sila ay natahimik.

"May dinner na kayo dyan. Kumain na kayo." Sabi ni Dani at lalabas ng pinto pero nagsalita si Jema.

"Teka teka, saan naman kayo pupunta? Maggagabi na ah."

"You really want to know?" Mela asked. Tumango sila.

"Sa SV Gang." I answered and went out of the dorm.

"Wait lang, hindi ako nainform na pupunta tayo sa kanila." Pigil ni Bang.

"Eh bakit ka naman kasi lalabas ng dorm ha Dani?" Tanong ni Kat at nagpameywang pa.

"Hehehe wala lang." Kamot-batok niyang sagot.

Hay nako.

"Tama na yan. Tapos na yun. Tatawag na lang ako sa site na pwedeng maghatid satin sa mansion." I said and took my phone.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now