XVI

4.3K 133 9
                                    

Jema's POV

Nasa cafeteria kami nang biglang dumating si Ate Jia na tumatakbo palapit sa SV Gang. Medyo malayo ang pwesto namin sa kanila kaya hindi namin marinig ng malinaw ang kanilang pinag-uusapan pero lahat sila ay nataranta sa sinabi nito.

Na-curious ako kaya sumunod ako sa kanila. Nung una ay pinigilan ako nila Den pero hindi ako nagpapigil. Pinaiwan ko sila dito dahil baka may makahalata na sinusundan ko sila.

Halos manlambot ang aking tuhod nang makita ang babaeng duguan at sinaktan na parang hayop.

Ginantihan ng SV ang mga bumugbog kay DW hanggang sa may mga dumating na guards at pinigilan sila. May dumating rin na medic para asikasuhin si DW.

Nakipag-usap sila kay DW kahit hinang-hina na ito. Bigla ko namang narinig ang aking pangalan kaya lumapit ako sa kanila at sumingit sa usapan.

"Anong kailangan niyo sakin?" I asked na ikinalingon nilang lahat. Nakakahiya pero sinusubukan kong hindi magpakita ng anumang emosyon.

"Jema, alam mo naman siguro ang nangyari sa kanya, dba?" Tanong ni AV.

"Oo."

"Jema, kami na ang nakikiusap sayo. Gusto ka niyang makausap." - Jaycel.

"Wala na kaming dapat pag-usapan." Aalis na sana ako pero...

"Mahal mo siya, dba?" Tanong ni Jaycel kaya tumigil ako. Oo, mahal na mahal. Pero kailangan kong gawin toh para sa ikabubuti naming anim.

"No. At hindi ako magmamahal ng isang katulad niya." Halatang nagulat sila sa sinagot ko kaya naglakad na ako paalis doon.

It breaks my heart seeing her in that situation. Hinang-hina, duguan at parang malapit nang bumigay. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin kaninang makita ko siyang pinagtutulungan ng mga walang pusong grupo ng mga lalaki. Oo, mataas siya sa school na toh pero hello? Babae pa rin siya. May kahinaan din.

Hindi ko namalayang nandito ako sa may open field at basa ang aking pisngi. Did I cry?

Pinunasan ko ang aking mga luha at umupo sa may bench.

"Bakit ba kailangan nating dumaan sa ganito?" Tanong ko sa kawalan. "Bakit kailangang may mahirapan?"

"Because you loved a gangster and that's part of loving someone." Sagot ng kung sino at tumabi sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked at lumayo ng konti.

"Bawal na bang pumunta dito? And besides I just want to have a chat with you." She answered.

"P-pwede naman."

"So you love her?" Pagsisimula niya. Sasabihin ko ba? Wait lang, bakit nga ba niya ako tinatanong ng ganun? Interesado ba siya?

"Teka lang Ara, why are you asking me that kind of question?" Taka kong tanong at tumingin sa kanya.

"Chill lang. I just wanna know." Kibit-balikat niyang sagot. "Naaawa lang ako kay Boss D at gusto ko lang namang makakuha ng clue kung bakit sila nagkakaganun. Simula kasi nung naging gangster sila, walang nagtangkang manakit sa kanila ng ganun kagrabe. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan ni Boss D na pagtulungan siya e. Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo?"

Umiwas ako ng tingin. Tama ba ang mga naririnig ko? Ginagawa niya lang siguro toh para mapaamin ako.

"A-aba, wag akong tanungin mo." Palusot kong sagot. I saw in my peripheral vision that she looked at me with a serious face.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now