VII

4.7K 132 15
                                    

Deanna's POV

F*ck that girl! Ang lakas ng loob nilang gawin ito samin. Hindi ba sila natatakot?!

"Here are your clothes and take a shower." Inabot niya samin ang tig-iisang paper bag at tinanggap ko yun.

"Thank you Ate Jia." I smiled at her.

"Magbehave na kasi kayo. Tignan niyo ang nangyayari sa inyo ngayon." Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa.

"Ate, we can't do anything. Ganito talaga kami." Naiiling na sabi ni Tots.

"Pwera na nga lang kung may taong makakapagpatino samin." Singit ni Bea kaya napatingin kami sa kanya.

"Sino naman ang makakapagpatino sa inyo aber?" Nakapameywang na tanong ni Ate Jia pero nagkibit-balikat lang si Bea. "Magsiligo na kayo at may last class pa kayo."

So ayun, pumasok na kami sa shower room and took a bath. After that, nagpaalam na rin si Ate Jia na umalis dahil may class pa din siya. She is already a senior na.

Napatingin lahat ng mga classmates namin including our professor pagkapasok namin ng room.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Prof.

"None of your business and just continue what you are doing." I answered and gave him a cold look. Tinuloy naman niya ang pagdi-discuss samantalang kami ay pumunta sa usual seats namin. Itong anim na babaeng kaharap namin ay seryosong nakikinig lang kay Prof. Makakaganti rin kami sa inyo.

Our last class lasted for more than an hour. We are planning to go to the Gang Stadium and stay there for a while. Hindi na rin natuloy ang pagpapakilala namin kila Jema na kaming anim ay kabilang sa 'Highest 15' ng school dahil sa ginawa nila samin. When we entered the Stadium, it is very clean. You can't see any drops of blood. We sat on the middle part of the Stadium.

"Guys, let's think of this. What if walang nangyari dati? Do you think ganito tayo ngayon?" Basag ni Maddie sa katahimikan.

"I don't think so. But I'm also thankful kasi naging ganito tayo. We improved ourselves and most of all, kaya na nating ipagtanggol ang isa't isa." Sagot ni Aly.

Since elementary magkakasama na kaming anim pati na si Ate Jia. Matatalino at magagaling kami sa lahat ng sports pero hindi yun sapat para tumigil sila sa pangbu-bully samin. Nagpanggap kaming mga nerd dahil sa utos ng mga parents namin. Baka daw kasi gamitin kaming panakot ng mga kalaban nila sa business world kaya pumayag kaming maging nerd pero hindi naging maganda ang nangyari. We've been bullied by our own friends at ang worst pa, tinanggal nila kami sa Women's Volleyball Team dahil wala daw kaming kaya. We don't have potentials. Pero ang hindi nila alam, malaki ang maitutulong namin sa team. Kaya simula noon, nagstop na kaming sumali sa mga VT but naglalaro pa rin kami pero yung kami-kami lang. So that's the reason kung bakit kami naging ganito at kung bakit tago ang mga identities namin but I know na hindi enough na reason yun para mambully kami ng iba.

"Hoy!" Bumalik ako sa realidad nang sigawan ako ni Jaycel.

"Why are you shouting?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Nagyayaya kasi sila Bei na magbasketball. Lutang ka kasi kaya nasigawan kita. Hehe sorry." Nagpeace sign siya sakin at bahagyang tumawa.

"Let's go." Nauna akong tumayo at lumabas ng Stadium at sumunod naman sila.

"Ano bang iniisip mo kanina at ang seryoso ng mukha mo?" Jaycel asks while walking.

"I just remembered the time that we've been bullied." I sighed.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now