XXII

4.2K 132 20
                                    

Jaycel's POV

Pagkatapos ng afternoon class namin, agad kaming pumunta sa Dean's office dahil pinapapunta nga ako doon kasama ang epal na James na yun.

Hay.

"We will here for you Jayce. Dito lang kami." Ate Ly said and tapped my shoulder.

"I'm very sorry about my behavior kanina mga Ate's. Hindi lang talaga ako nakapagpigil." Sabi ko at napayuko.

Kung hindi lang talaga nakisali sa eksena si James, edi sana nakasama ko ng maayos si Yumi kanina.

Pero hindi mo naman nalaman ang totoo kung hindi siya dumating. - Ay oo nga naman.

"It's okay buds. Naiintindihan kita. Nagawa mo yun dahil sa nalaman mo at dahil nasaktan ka." Si Ate Deans na itong nagsasalita ngayon.

"May oras para maglabas ng sakit okay? So pasok na dahil gusto ko nang umuwi." Dagdag niya at inihirap na ako sa pintuan ng office.

I took a sigh first before entering.

Wala talaga katok-katok eh noh? - Nakalimutan? Hehehe.

"Ikaw talagang bata ka papasok na lang agad-agad." Sabi ni Ate Dzi nang makita niya ako.

"Sorry po heheh." Kamot-batok kong sagot.

"Sige maupo ka na muna. Hintayin na lang natin si James." Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Tsk. Pa-VIP amp.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Kunot-noong tanong niya.

"Akala ko po ba hihintayin natin yung isa?" Pabalik ko ding tanong kaya napasapo na lang siya sa kanyang noo.

"Jusko kang bata ka. Sasagot ka ng maayos or I will suspend you?" She said in a serious voice.

"Ito na po magke-kwento na." I surrendered.

Saktong pagkatapos kong magkwento, ay sakton dumating na ang gunggong.

"Dean." Bati nito at yumuko ng konti.

"Take your seat Mr. Natividad." Sabi ni Ate Dzi na sinunod naman nito. As usual, sinamaan muna niya ako ng tingin bago tumingin kay Ate Dzi.

"I'm sorry po for what happened kanina sa BEG. Hindi ko po talaga intensyon na manggulo." Magalang niyang sabi.

Tss akala mo kung sinong anghel.

"Pero ito po kasing isa, nangaangkin ng hindi naman sa kanya." Parang tinadtad ng saksak ang puso ko nang marinig ang mga kataga iyon.

Nangaangkin ng hindi naman sa kanya.

"Ayus-ayusin mo yang pananalita mo towards me ha!" Inis kong sabi at tumayo.

"Delos Reyes!" Kinalma ko ang aking sarili dahil alam kong malalagot ako kay Ate Dzi kung paiiralin ko ang galit.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin. Umupo ako ulit at tumingin kay James.

May oras ka din sakin.

"Dahil sa ginawa niyong gulo kanina at sa paglabag sa kaka-announce ko lang ng rule bago ang battle, I'm going tk suspend you two for one month." Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Ate Dzi.

"You can't do this Ate!" Napasigaw na ako.

Fuck. Hindi ako pwedeng ma-suspend ng isang buwan lalo na't may project pa kami na kailangang tapusin.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now