XIX

4.2K 137 38
                                    

Deanna's POV

Weeks passed, pare-pareho ang naging routine namin.

Bahay~school~site~bahay. Bahay~school~site~bahay.

Mas pinili naming tumira na lang ulit sa mansion dahil hindi namin kakayaning magstay sa dorm kasama sila Jema. At dahil doon, mas naging matatag kaming gang even though hindi namin sila nakakasama but it's killing me whenever I see her with Fhen. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa closeness nila dahil alam kong malabong magustuhan siya ni Jema.

Ahh kaya umaasa ka pa rin? - Hmm hindi ko na alam. Nawawalan na din ako ng pag-asa.

Lagi na kasi silang magkasama pati na rin ang ibang kaibigan ni Jema simula nang magsabay silang kumain ng lunch. Masaya at parang walang iniisip na problema at gulo na nangyayari sa paligid nila. Akala ko bang ayaw niyang madamay sa anumang away sa loob ng school pero bakit sila nakikisama sa gang ni Fhen?

Hayy let's just don't mind them.

Hindi na lang namin yun pinanpansin bagkus nag-fofocus sa nalalapit na battle dahil three months na lang ang natitira naming preparation. And I'm totally recovered na since last week kaya balik na rin ako sa training.

Makikita niyo kung anong kaya naming gawin. Kaya naming patumbahin ang mga taong ipinagpalit niyo samin.

"Huy! Humihiwalay ka na naman ng mundo." Natigilan ako sa pag-iisip dahil sa panggugulat sakin ni Bea.

"What's your problem?" Inis kong tanong at nagcross arms.

"Sabi daw ni Aly, aalis daw tayo after class. They want to visit our friends sa UST." Pabulong niyang sagot na nakapagpaliwanag ng aking mukha.

Nandito kasi kami sa room and waiting for our prof this afternoon class. Wala rin pala sila Jema dito sa room na sa tingin ko'y papunta pa lang.

Alam na alam? - Hinula ko lang. Share ko lang naman :)

"Woah that's nice. I really miss them tho." I replied and smiled.

"Sila ba talaga na-miss mo o si..." Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin because I gave her a death glare.

"Okay okay." Pagsuko niya sabay peace sign.

Okay share ko lang ulit. Taga-UST ang long time crush ko. Well, she never knew about that because we're not that close. Pero noon yon. We are good friends na and I'm happy with that.

"HAHAHA oo nga e." Nakuha ang atensyon ko ng mga nagtatawanan at nag-uusap sa labas ng room.

Nang makita kung sino ang mga yun, mas kumunot ang aking noo.

"They are together, again." Jaycel said in a serious tone.

Nakita ko namang nagpaalam na sila dito at tuluyang pumasok ng room.

Habang palapit siya ng palapit ay mas bumibilis ang tibok ng aking puso.

Arghh Jemaaa!! Bakit ganito pa rin ang epekto mo sakin?!

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sakin. I really want to smile at her pero hindi ko magawa. Para akong pinangungunahan ng galit at sakit remembering the tine that she left me, the time that she chose to stay away from me.

Umiwas na lang ako tingin at hinamas ang aking noo.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Jaycel at hinawakan ang ulo ko.

"Yeah. I was just a little dizzy." Palusot ko pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako titingin.

Nang maramdaman kong nakaupo na sila, umayos na rin ako sa pagkakaupo at tumingin na lang ng diretso sa board. Naaaninag ko pa rin ang mga ngiti sa labi ni Jema habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.

Gangsters of AteneoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα