XXVIII

4K 148 69
                                    

Battle of the Gangs (Day 2)

Deanna's POV

Nandito na kami ngayon sa locker room at hinihintay na lang ang mga organizers. Magkahiwalay kami ng Replec Gang to give sone privacy daw. As usual, tahimik lang kaming lahat dahil paniguradong hindi pa sila handa sa pwedeng mangyari mamaya.

*Beep*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at chineck kung ano yung nagnotif.

1 message from Unknown Number.

Seriously? May ibang nakakaalam ng number ko? At sa ganitong oras pa talaga nagtext? Baka na wrong send lang.

I opened the message.

From: 09*********
Tumupad kayo sa usapan kung ayaw niyong sila ang saktan namin.

Okay I knew it. It's Fhen.

Napabuga na lang ako sa hangin atsaka dinilete yung message.

Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya kami napapabagsak.

"Hey, you okay?" Tanong sakin ng katabi ko.

Napansin niya sigurong malalim na naman ang iniisip ko.

"Yeah of course." I answered.

"I don't think so." Sabi niya kaya napaharap ako sa kanya.

"Look Jayce, let's just stick to the plan okay? Kahit anong mangyari, wag kayong susuko mamaya." Sagot ko naman sa kanya. "Napapaisip lang talaga ako."

"Na paano kung ibash tayo ng mga tao? Sasabihin nila na bakit ganun lang tayo kadaling talunin ng Replec?" Napahilamos muna siya sa kanyang mukha bago nagsalita ulit. "Buddy naman, we have reasons kung bakit natin gagawin yun na hindi naman kailangang malaman ng lahat. Alam naman nating hindi talaga nila tayo mapapagbagsak eh."

Sinenyasan ko naman siya na hinaan ang boses dahil baka may ibang makarinig.

"Hay bahala na si Batman." Sabi nito atsaka nagpaalam na kakausapin sina Aly.

After a few minutes, narinig na naming may magsalita na nagpaingay sa mga students. Lumabas naman kami sa locker room at sumilip ng kaunti.

"Good morning ladies and gentlemen! The most awaited battle is about to begin." I think this is Marco's voice. "The SV - Replec Gang Battle!"

"Yohooo!"

"We can't wait to see them fighting for their gang again!"

"SV Gang for the win!"

"Simulan niyo na!"

Sigaw ng mga tao.

"But before we start, let me remind all of you especially the gangs that this battle is more dangerous than expected. We are allowing them to use knife. Knife lang po." Saad ni Marco.

Nagsimula namang magbulungan ang mga tao.

Pero what's new? Sanay na kami sa ganito.

"Pwede naman po silang sumuko agad bago magsimula ang laban pero nasa sa kanila naman po kung gagamit sila ng patalim. Agad din po naming ititigil ang laban kung may isang gangster na ang nasa kritikal na kalagayan." Dugtong pa nito na nagpaisip sakin.

So hahayaan lang talaga nila kaming mabugbog at masaktan hanggang sa maubusan na kami ng lakas at mapunta sa critical stage? Baka ikamatay pa namin itong plano eh pero wala. Kailangan naming gawin ito. Kung wala lang sanang plano, hindi ako napapaisip ngayon. Ang plano kasi ay hindi kami lalaban kina Fhen at hahayaan lang namin sila na saktan kami kaya medyo worried ako.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now