XXVI

4.1K 159 27
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos mawalan ng malay si Deanna ay ang pagdating naman nila Cy kasama ang iba pang mga tauhan nito.

"Anong nangyari?!" Tarantanang tanong nito sa mga babaeng katatapos lang umiyak.

Nagulat naman si Jema nang makita si Cy. Sinuri pa niya ito simula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa niya dito? B-bakit alam niyang nandito kami? Bakit kasama pa niya ang ibang kaibigan nila Deanna?" Sunod-sunod na tanong nito sa sarili habang nakakunot pa ang noo.

"P-pwede bang dalhin n-niyo na lang kami sa site? I'm so tired." Agad naman tumango si Cy matapos magsalita ni Aly.

Kahit naguguluhan man sila Den sa nangyayari, hindi na sila nagtanong tungkol sa mga bagong dating. Sabay-sabay silang sumakay sa van habang tinutulungang maglakad ang SV Gang.

.....

Pagkarating nila sa SV site, agad nilang hiniga sina Deanna, Alyssa, Jaycel, Tots, Maddie at Bea sa hospital bed sa isang kwarto dito. Agad na may lumapit sa kanila na mga doctor at nurses.

"Uhm doon muna kayo maghintay sa labas, Jema. We will just tell you guys if okay na sila." Sabi ni Cy.

Bigla namang napakunot ang noo ng mga kaibigan ni Jema pero tumango muna sila bago umupo sa labas ng kwarto.

"Jems, bakit kilala ka niya?" Den asked her.

Jema took a sigh first and answered her.

"Nagkita kami ni Cy sa harap ng Gang Stadium nung pagkatapos nating makaganti sa kanila. Ayun nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa kung anong meron sa loob ng stadium na yun." Sagot ni Jema.

"Then what is he doing here? Bakit tinutulungan niya tayo?" Tanong din ni Ponggay.

"Don't tell me magkakakilala sila." Singit ni Celine.

"Dahil sinusuklian ko lang ang tulong na ibinigay nila sakin noon." Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang maskuladong lalaki.

"What do you mean?" Jho asked.

Inalis muna ni Cy facemask niya at hinarap ang mga ito.

"Matagal ko na silang kilala pati including their real identity." He answered. "Pero hindi wala ako sa lugar ngayon para ikwento sa inyo."

"Pabitin naman toh." Sabi ni Celine sa kanyang isip.

"Pwede na kayong pumasok. I'm sure gustong-gusto niyo na silang makausap." Magtatanong pa sana sila pero naglakad na ito paalis at naiwan silang tulala.

Naunang pumasok si Yumi at sumunod ang iba.

____________________

Yumi's POV

Agad kong nilapitan si Jaycel na halos mabalot na ng benda ang buong katawan. Umupo ako sa may upuan sa tabi ng bed niya atsaka hinawakan ang kanyang kamay.

"Hey, can you hear me?" Maluha-luha kong tanong pero hindi siya sumagot.

"Jaycel." I called her but no response kaya napayuko na lang ako. "Sana ikaw na lang. Sana ikaw na lang."

"S-sana nga." Napaangat ako ng ulo nang marinig ko siyang sumagot.

"Jayce I'm sorry." I started to cry.

"Hushh, you did nothing wrong." Pagpapatahan niya sakin sabay punas ng aking mga luha.

"Pero nasaktan kita. Niloko kita." Sabi ko sa kanya.

Gangsters of AteneoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu