X

4.9K 137 2
                                    

Tots's POV

Pagkarating namin sa bar ay pinauna ko na sina Deans sa VIP Area dahil kailangan ko munang icheck ang mga staffs at ang kita ng bar. Yeah, I'm the owner of this bar.

Pagkatapos kong magcheck ay pupunta na sana ako kina Deanna pero may naaninag akong mga babaeng nakikipag-away sa bouncer. Lumapit ako ng konti para makita ang kanilang mukha. Laking gulat ko nang makita sina Jema kaya dali-dali akong lumapit sa kanila.

"Ako na ang bahala sa kanila." Sabi ko sa bouncer. Natigilan sila at lumingon.

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked.

"Kami dapat ang nagtatanong sayo niyan. Bakit kayo nagpunta dito sa bar?" Balik ni Celine sakin ng tanong. Napabuntong-hininga na lang ako bago sumagot.

"Follow me. Doon na lang tayo mag-usap sa VIP Area." Naglakad ako papunta kina Deans at sumunod naman sila. Honestly, nagpunta kami dito sa bar para makapagchillax lang. Lalo na itong si Deanna dahil ayaw niya daw munang marinig ang boses ni Jema dahil daw ang daldal niya. HAHAHA!

"Oh bakit mo sila kasama dude?" Gulat na tanong sakin ni Bea nang makalapit kami sa kanila. Naupo muna ako sa tabi niya atsaka sumagot.

"Pagkalabas ko kasi ng counter, nakita ko silang nakikipag-away sa bouncer. Lumapit ako atsaka sinabing ako na ang bahala sa kanila. Pinasunod ko sila dito para dito na lang makipag-usap. Buti na lang pala nakita ko sila dahil kung hindi, baka namatay na yung bouncer." Mahaba kong paliwanag atsaka tumungga ng tequila. Napangiwi na lang ako sa lasa nito. But it's okay dahil sanay na rin kami. Ay, ako lang pala. Hehehe.

Tumango na lang si Bea, meaning na-satisfy siya sa sinagot ko.

"Take a seat." Alok ni Deans sa kanila. Agad naman silang naupo sa vacant seats na kaharap namin kaya ang ending, kaharap ko si Celine. Sa totoo lang, crush ko na siya since I saw her. I don't know why.

"Why did you followed us?" Walang ganang tanong ni Deanna habang pinaglalaruan ang basong hawak niya.

"Bawal ba?" Mataray ding tanong ni Jema. Nako po. Jema umayos ka. Wala pa naman sa mood si Boss D.

Halata sa mukha ni Deans ang pagkainis at akmang magsasalita pero naunahan siya ni Bea.

"Hindi naman. Sana nagsabi kayo para sabay-sabay na lang tayong nagpunta dito." Sagot ni Bea sabay inom ng whisky.

"Eh kayo? Bakit niyo naisipang magbar?" Jho asked.

"Para mambabae?" Nagulat ako sa tinanong ni Ced kaya napaangat ako ng tingin.

"No! Bakit namin gagawin yun?" I asked and seriously looked at her.

"Kasi playgirl kayo." Agad niyang sagot. Sh*t naman! Matagal na kaming tumigil sa paglalaro ng mga babae!

"Excuse me Ms. Domingo. Matagal na po kaming tumigil sa pagiging playgirl." Magalang kong sagot sa kanya at patagong umirap. Duh, kahit gangster ako pwede pa rin akong magtaray.

"Naninigurado lang." Sabi pa nito.

"Bakit kailangang siguraduhin?" Tanong ni Bea kaya napatingin sila sa kanya.

"Kasi hindi malabong magkagusto ako sayo." Diretsong sagot ni Jho. Wow, sana all.

Agad namang namula itong si Bea samantalang kami ay nagpipigil ng tawa. Kamatis!

"She has a point naman." Gantong ni Jaycel at uminom ng juice. Hindi kasi siya pinapayagan na uminom ni Deans dahil ayaw niyang magkahang-over itong si Jayce lalo na't may training at class pa bukas.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now