XXIX

4.4K 154 28
                                    

Deanna's POV

Is that the video tape?

And the girl who holds the tape looks so familiar to me.

"Parang kilala ko yan."

"Ay true. I think nakasama na siya ng SV Gang?"

"I think so."

Rinig kong usapan ng mga estudyanteng nakapaligid samin.

Nakasama na namin? Pero bakit parang hindi ko marecognize kung sino siya?

Mas lalo akong hindi makapag-isip ng maayos dahil sa nararamdaman ko ngayon. Arghhh umayos ka self!!

"Curious ka kung sino siya?" Tipid akong tumango kay Kuya Cy.

Nananatili pa rin akong nakaupo dito sa stretcher habang nakasuporta si Kuya Cy sa likod ko. Hindi ko pa rin magets kung anong nangyayari. Hindi niya ako agad pinaalis dito at gusto pa niyang makita ko lahat ng mga mangyayari pero sa totoo lang ay gusto ko na munang magpahinga. Hinang-hina na ako at gusto ko nang sumuko.

"Sumama ka sakin. Pupuntahan natin sila." Inutusan niya pa akong tumayo pero hindi ko kaya.

Gustuhin ko mang maglakad at lumapit doon pero wala eh. Nanghihina pa rin talaga ang buong katawan ko kaya inutusan niya yung isang body guard na kumuha ng wheel chair at agad naman itong umalis. Ginamot na lang ako ni Kuya Cy dito para wala daw kaming mamiss sa mga mangyayari.

Pagkabalik ng guard, nagtulungan sila para mailipat ako sa wheel chair mula sa stretcher.

"Awww!" Medyo nasaktan ako nung maupo sa wheel chair.

"Oh sorry." Pagpapaumanhin niya.

Sinabi ko naman sa kanya na okay lang kaya tumungo ulit kami sa pwesto nila Jaycel kanina.

Wait, bakit nandito na silang lahat? Ito na ba ang simula ng plano?

Okay para hindi na kayo mag-isip. This is the plan. Hahayaan muna naming manalo sina Fhen sa laban which is nangyari na nga. Now, pagkatapos ng laban ay doon naman namin ipapakita sa lahat ng tao ang ginawang pangbubugbog at pananakot na ginawa ng Replec Gang samin. Naaalala niyong may inilagay sila Kuya Cy samin na body cams bago kami pumunta ng warehouse? Doon namin galing ang video. Pinagsama-sama namin lahat yun at nilagay sa isang tape. Maipapakita na rin namin na hindi maganda ang pakay ng Replec Gang. Hindi lang samin kundi pati na rin sa ibang tao. Yun ang plano.

Pero hindi ko pa talaga malaman kung anong nangyayari ngayon. Parang hindi kasi ito parte ng plano. Dahil na rin sa kuryosidad, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong ka sa kanila.

"What's going on?" I asked them.

Hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin at patuloy lang sa panonood sa nangyayari sa ring. Halata na pati sila Fhen ay naguguluhan.

"Hey! Uso sumagot guys." Inis kong sabi sa kanila.

Hinarap naman ako ni Jaycel atsaka hinawakan ang balikat ko.

"The plan is already starting. Take a look of her." She answered sabay nguso dun sa babaeng may hawak ng video tape.

Halos hindi na ako pumikit nang nakita ko si Jema.

What the hell? What is she doing there?! Paano kung saktan na naman siya ni Fhen?! Pero teka lang, don't tell me alam nila ang plano.

Nabigla ako nang biglang tumakbo si Jema at pumunta sa kung saan. Wala mang isang minuto namatay ang ilaw.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now