Confession Two: The Girl

4.4K 68 19
                                    

Confession Two: The Girl

Hinila ko 'yong babae palayo kay Jet. Kilala ko 'yong si Jet, kapag nagdilim ang paningin niyan, wala 'yang sinasanto.

"Hey! Sino ka ba? Bitiwan mo ko!" sigaw no'ng babae

Hindi ko siya pinakinggan. Dinala ko siya sa labas ng bar, at no'ng nasiguro ko nang hindi kami nasundan ni Jet, binitiwan ko na siya.

"What happened? Bakit ka nanampal do'n sa loob?" tanong ko

Yes, feeling close ako. I want to ask her right away.

"Ha? Ah. 'Yon? Bastos kasi 'yong lalaki. Sobra." kwento niya habang hawak niya 'yong wrist niya na namumula na pala

"Binastos ka?" tanong ko

"Oo. Hinawakan ako sa butt at muntik pa akong halikan! Kaya kung balak mo rin akong bastusin, ihanda mo na 'yang pisngi mo sa sampal ko." sabi niya sabay lakad palayo sa'kin

"Wait! Hindi ako gano'n, Miss!" sabi ko

Medyo lang. Medyo bastos lang, unlike Jet. Lumakad ako ulit palapit sa kanya. Nakahawak na naman siya sa cellphone niya. Mukhang hindi niya naramdaman na lumapit ako.

"Bukas, magkikita na rin tayo ulit. Two years din kitang hinintay." bulong niya

"By the way, I'm Geoff." sabat ko kaya napalingon siya

Medyo nagulat pa siya ng bahagya dahil malapit na ako ulit sa kanya.

"What?" tanong niya

"I'm Geoff. And you are?" ulit ko at inextend ko ang kamay ko for a shake hand

"Ah. Ok. I'm Cherry." sagot niya pero hindi niya inabot ang kamay ko

May hinahalungkat siya sa bag niya. Maya maya, nilabas na 'yong wallet niya at pagkatapos no'n ay bigla siyang pumara ng taxi. Ang bilis niya talagang kumilos. Tsk.

Pinanood ko lang na umaandar palayo 'yong taxi na sinakyan niya. Tatalikod na sana ako, pero napatingin ako sa baba. May nakita akong parang notebook?

Pinulot ko 'yon at binuksan. Napaisip ako kung kay Cherry ba 'to? Journal yata 'to? At planner? Isinara ko na lang ulit.

Bahagya akong napangiti. May dahilan na ako ngayon para magkita tayo ulit, Cherry. Hindi mo na ako matatakasan sa susunod. Kahit gaano ka pa kabilis kumilos.

*

After two days mula no'ng pangyayari sa bar, hindi ko pa ulit nakikita si Cherry. Bakit ba kasi hindi ko tinanong kung ano ang apelyido niya eh? Ang hirap tuloy ipahanap. Tsk.

"Pare, ang weird na naman ng kapatid ni Jet." narinig kong sabi ni Seb

Hindi ako kumibo. Nandito siya sa opisina ko, nanggugulo na naman. Hindi na yata 'to nagta-trabaho eh. Mas madalas pa siyang pumunta sa opisina namin ni Jet kaysa sa opisina niya.

Sumandal lang ako sa office chair ko at itinaas ang paa ko sa lamesa.

"Di ka nakikinig?" tanong niya

"Di naman kasi bago 'yan. Weird na talaga 'yon si Jassie dati pa. Ba't ba hindi ka pa nasanay? Eh mas close kayo no'n diba?" sabi ko

Nagkibit balikat lang siya bago umupo sa sofa nitong opisina ko.

"Kaya nga. Kaya nga mas alam ko kung weird siya o natural lang niya 'yon eh." sabi niya

Hindi ko na siya inintindi. May sarili akong pinoproblema. Paano ko po-pormahan si Cherry na hindi ako nasasampal?

I decided to take a look at her journal. Binuklat ko 'yon at tinignan mula sa umpisa. Bago pa lang yata 'tong journal niya.

Waiting for him to come back.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon