Confession Twenty Nine: Respect

2K 33 0
                                    

Confession Twenty Nine: Respect

Zia

Nagising ako na medyo nahihilo hilo pa. Agad akong bumangon para kumuha ng tubig sa kusina. Nauuhaw ako. Hindi ko makita si Geoff. Baka may inasikaso sa opisina niya. Ang tagal na no'n hindi pumapasok eh.

Pagkatapos kong uminom ng tubig, tumambay muna ako sa kusina. Umupo ako at nagpangalumbaba sa lamesa. Nag-iisip ako ng gagawin ko, o ng kakainin ko. Medyo gutom na din kasi ako. Samantalang kakakain lang namin kanina, ay, isinuka ko nga pala 'yong kinain ko. Tsk.

"Oh, Zia? Gising ka na pala? Kamusta ang pakiramdam mo?" Biglang sumulpot si Geoff sa pinto ng kusina

Tumayo ako agad para tulungan siya sa mga paperbag na bitbit niya.

"Ayos na ako. Saan ka galing? Namili ka? Eh namili din ako kanina ah?" Tanong ko sa kanya

"Bumili lang ako ng mga supplies natin. Sure ka? Ayos ka na talaga?" Paliwanag niya

"Ayos na nga ako. Ano ba 'tong pinamili mo? May ready to eat na ba dito? Nagugutom ako." Tanong ko tapos hinalukay ko 'yong mga pinamili niya

Fruits, fresh milk, wheat bread, tissue, 'yan agad ang bumungad sa'kin.

"'Yan lang? Eh halos ganyan din pinamili ko kanina eh." Reklamo ko sa kanya

"Paubos na 'yong fresh milk. Tinungga mo ng tinungga kanina diba?" Paalala niya

Tsk. Oo nga pala. Dahil isinuka ko 'yong kinain ko ng umaga, ininom ko ng ininom 'yong gatas sa ref. Ayo'ko kasing kumain ulit kanina, feeling ko isusuka ko ulit. Tapos itinulog ko na lang dahil masakit nga ang puson ko.

"Ano'ng gusto mong kainin for lunch?" Tanong niya

Napangiti agad ako.

"Tapsi ulit ng Rodic's." Mabilis na sagot ko

"What?! Eh sinuka mo nga kanina 'yong kinain mong tapsi eh." Paalala pa rin niya

"Kanina 'yon. Nasobrahan kasi ako. Saka may inorder akong for take-out kanina diba? Nasaan na 'yon? Iinitin ko na lang." Sagot ko sabay kuha ng plato at mga utensils sa cabinet

"Sure ka? Tapsi ka na naman, baka mamaya sumuka ka na naman niyan?" Pangungulit niya

"Sukahan kita diyan eh." Inis kong sagot

"Joke lang. Nando'n sa microwave 'yong tapsi mo. Do'n ko nilagay para hindi langgamin sa lamesa." Sagot niya sabay turo kung nasaan ang mahiwagang tapsi na favorite ko

*

Kumain ako ulit. This time, sakto lang ang kinain ko. Baka sumakit na naman ang tiyan ko eh. Mag-uusap pa kami ni Geoff. Nasa sala na siya no'ng matapos akong maghugas ng mga pinagkainan namin.

"Geoff." Tawag ko sa kanya

Nagdala ako ng isang basong tubig. Baka kasi mag-away na naman kami eh. Kailangan ko ng tubig pangpa-kalma.

"Yes, Sweetie?" Tanong niya

Nagta-type siya sa laptop niya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na ngayon ko na siya kausapin? Baka kasi busy siya.

"Mamaya na lang pala, may gagawin pala ako." Sabi ko

Biglang umurong 'yong tapang ko. Para akong ewan. Ano ba ako? Teenager na magko-confess sa isang school heartrob? Duh!

Tumayo bigla si Geoff at inilapag ang laptop sa center table.

"Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba?" Tanong niya

Huminga muna ako ng malalim. At pumikit ng ilang segundo bago tumugon sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang na mag-usap tayo. You know, things, about us." Simula ko

Ngumiti siya at nilapitan ako. He put his hands on both sides of my shoulders.

"Great. I've been waiting for you to say that." Sagot niya

Napalunok ako ng laway. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Tsk. Ang hirap naman nito. Baka magmukha akong eng-eng.

"I don't know where to start." Pag-amin ko

"Let's start about you. Do you really love me? Hindi ka naman nagbibiro no'ng sinabi mo 'yon diba?" Tanong niya

Kumunot ang noo ko.

"Bakit naman ako magbibiro tungkol sa bagay na 'yon?" Balik ko ng tanong sa kanya

"Answer me, Zia. Do you love me?" Tanong niya ulit

"Yes. I do. I love you. Okay? I was just afraid to admit it to myself. Masyado lang akong natakot sa pagmamahal ko para sayo." Sagot ko

Lalong lumapad ang ngiti sa mukha niya. Gusto ko tuloy siyang irapan. Tsk.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Zia." Sabi niya

Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Ang saya nga niya. I even saw tears from his eyes. How could he love me like this? How could I be so blind before? Buti na lang hindi siya sumuko sa'kin.

"Tungkol naman sa sinasabi mong pagpapakasal..." Panimula ko

"Yes. What about that, Sweetie?" Tanong niya

"Pwedeng enjoy-in muna natin ang buhay natin as boyfriend-girlfriend? Then maybe after few years, saka na natin pag-usapan ang kasal if we're both ready." Paliwanag ko

"You're not yet ready to marry me?" Malungkot na tanong niya

Parang nasaktan din siya sa itinanong niya sa'kin. Na-alarma tuloy ako. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin eh.

"No. Hindi sa gano'n. Ang punto ko lang, let's enjoy as bf-gf muna. Kasi kung magpapakasal agad tayo, baka after few years lang, ma-realize natin na hindi pa pala tayo handa. You know what I mean? Let's get to know each other more. Pero hindi ko sinasabing hindi pa ako handang pakasalan ka. I love you, and I can marry you anytime. But not like this." Paliwanag ko

Napawi ang lungkot niya. Ngumiti siyang muli. Para namang baliw 'to? Nakakainis. Kanina malungkot tapos ngayon nakangiti na? Pero atleast hindi na siya nakasimangot. Haha. Napapasimangot din kasi ako eh.

"I love you, Zia. I'll respect your decision. Pero hindi natin patatagalin ng ilang taon. Maybe we'll try your get to know each other for few months, then magpapakasal na tayo. I know myself, Sweetie. I've never been so sure in my whole life. Hindi ko pagsisisihan ang pagpapakasal sayo. And I'll do everything just to be your everything too. Thank you for not rejecting me this time, Zia." Napasmirk siya sa huling sinabi niya

"Hoy ha, hindi kita ni-reject before. Natakot lang ako at nagduda pero hindi kita ni-reject." Tanggi ko sa paratang niya

"Tumakas ka pa rin." Asar niya

"Oo nga. Gusto mong tumakas ako ulit? Push mo pa yan." Asar ko din

Lalong humigpit ang yakap niya sa'kin. He even kissed my forehead. We stay like that for few minutes. Gusto ko talagang nakayakap lang sa kanya. Gusto kong naaamoy ko siya. Gusto ko din na nilalampirot ang ilong niya at kinukurot ang pisngi niya. Pero minsan naiinis naman ako sa kanya. Tsk.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now