Confession Five: The man I barely know

3.3K 48 7
                                    


Confession Five: The man I barely know

Nagising si Zia na ang bigat bigat ng pakiramdam. Hindi lang ulo ang masakit sa kanya. Pati buong katawan. Masakit ang likod, balakang at bewang niya. Pati rin ang nasa pagitan ng mga hita niya masakit. Napaisip siya kung bakit?

Tinignan niya ang paligid. Laking gulat niya ng makitang may lalaki siyang katabi, at nakahubad sila pareho! Sinilip niya ang kanyang katawan mula sa pagkakabalot nito sa kumot Wala siyang saplot! Sinilip niya ang katawan ng lalaking katabi. Nakaboxer shorts iyon, pero dios mio! May nagfa-flag raising! May nakaumbok doon! Napalunok siya ng laway.

"Aw." reklamo niya

Nasapo niya ang kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng kirot. She can't recall how she ended up having a one night stand with this man. Samantalang ang naalala niya lang, she saw Jef at the bar last night. Sinilip niya ang mukha ng lalaking katabi. Halos mapatalon siya sa gulat nang makita kung sino 'yon!

"Mr. De Mayor? No way." pabulong niyang sabi

Biglang nagsink in sa utak niya ang realidad ng pangyayari ngayon. She lost her virginity last night. She gave it to her client! Literal na sinabunutan niya ang sarili! She wanted to shout! She wanted to cry! She wanted to turn back the time! Pero ang mas inuna niya ngayon, ay ang pulutin ang mga nagkalat niyang damit. Nagbihis siya kahit may mga iniindang sakit sa katawan.

Pagkatapos niyang magbihis ay dahan dahan siyang lumabas ng kwarto. She needs to escape. Bitbit niya ang mga gamit niya. Bahala na. Bahala na kung matanggal siya sa trabaho dahil iniwan niya ang isang importanteng client.

"Pusang ina! Importante din ang virginity ko! Bullshit!" sigaw ni Zia no'ng naglalakad na siya sa labas ng Hotel

Sinipa niya ang nakitang maliit na bato dahil sa sobrang galit na nararamdaman. But she immediately regretted it. Napangiwi siya dahil sumakit 'yong nasa pagitan ng mga hita niya.

Nagpunas siya ng luha. Ngayon niya lang kasi napansin na pumapatak na 'yong mga luha niya sa mata. Sinisisi niya ang sarili. How could she be so stupid? How could she be so careless? Paanong humantong sa gano'n ang lahat?!

She still can't recall what really happened. At nagdadalawang isip siya kung gugustuhin pa nga ba niyang maalala ang lahat?

"Kahit maalala ko pa, it wouldn't change the fact of what we did! Of what he did to me! That asshole!" galit na galit pa rin niyang sigaw

She's always like that. Isinisigaw niya kung ano ang naiisip at nararamdaman niya. Madalas mang isipin ng iba na may saltik siya, pero 'yon ang nagpapagaan sa loob niya eh. She doesn't give a damn to just anybody else.

*

I wanted to move on. I wanted to forget what happened to me. Hindi kasi ako makakalimot sa kagagahan ko kung patuloy akong mananatili sa field ng trabahong naging dahilan ng malaking pagkakamali na 'yon.

I resigned.

Yes. You heard it right. Nagresign ako dahil lagi kong naiisip na kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon. Desperada akong maging ka-close ang client na 'yon so that he will buy the property from us. Pero lintek! 'Yong Bataan ko naman ang inangkin niya! Hindi ko naman 'yon binibenta!

Aware ako sa mga consequences na magiging kapalit ng pag-resign ko sa trabaho. Sa panahon ngayon, mahirap na ulit makapasok sa maayos na Kumpanya. Ilang linggo rin akong nagpunta kung saan saan. And now, here I am. In front of Maghari Inc. Pinabalik ako. Second interview na 'to. Sabi ng tumawag sa'kin, 'yong Boss daw nila ang mag-i-interview ngayon sa'kin. Kinakabahan ako. But still, I need to do this. I gotta have this job. Or else, sa kangkungan na ako pupulutin. Haay.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now