Confession Twenty: Putting his name

2K 43 2
                                    

Confession Twenty: Putting his name

Zia

Hindi ako mapakali habang papunta ako kanina sa opisina. Pakiramdam ko kasi naku-konsensya ako sa ginawa ko kay Geoff. Pumunta ba siya dito kasi sinundan niya ako? Pfft! Parang imposible naman kasi. Sino ba naman ako para sundan at hanapin niya, diba? There's a lot of girls out there. Tsk. Makapagtrabaho na nga lang.

"Zia? A call for you." Tawag ng kasamahan ko sa'kin

"Who's that?" Tanong ko

Nagkibit balikat lang siya. Agad akong lumapit at inabot ang telepono.

"Hello, good morning. This is Zia, how may I help you?" Sabi ko

(Hi, Zia. This is Geoff. Wait. Don't put the phone down. I'm not going to bother you again. Just please, talk to me.) sabi niya

"Ano bang sasabihin mo? Di ka pa rin bumabalik sa Pilipinas?" Napatagalog ako sa gulat kasi si Geoff pala ang tumawag

(Not yet, pero bukas na ang flight ko. Don't worry, hindi na kita guguluhin.) sagot niya

"Good. 'Yon lang ba ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya

(Bago sana ako umuwi, pwede ba tayong magkita mamayang dinner? I want a nice and clean closure about us. Dinner lang, Zia. Nothing more, nothing less.) pakiusap niya

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Kaso bigla kong naisip na napakasama ko sa kanya kagabi. I told him a lot of things, and I know he's hurt kaya nga babalik na siya sa Pinas bukas eh.

"Okay. Sabihin mo lang kung saan, pupunta ako." Sagot ko

(I'll fetch you there. Ano'ng oras ang tapos mo?) sabi niya

"Mga 7pm pa. You know where's my work?" Nagtatakang tanomg ko

(Yes. Huwag ka nang magtaka, nalaman ko nga kung saang bansa ka at kung saan ka nakatira eh. I'll hung up, bye. See you later.) paliwanag niya

Napabuntung hininga na lang ako. He has a point, huwag na dapat akong magtaka. Hindi na nga ako mag-iisip, bahala na mamaya. Tutal, aalis naman na siya at babalik na sa Pilipinas. That's good.

*

We're currently having dinner, dinala niya ako sa isa sa mga mamahaling restaurant dito. At nalulula ako masyado sa presyo. Hindi ko na nga tinitignan eh, tinatakpan ko 'yong price habang pumipili kanina. Haha.

"So, I guess we're having a closure tonight?" Tanong ko sa kanya

"I hope so. Kung talagang hindi na mababago ang isip mo? Baka pwede pa kitang mapilit na sumama na lang sa'kin?" Sabi niya

"I've made up my mind, Geoff. I want to continue my life here. I want to forget things from before. At magagawa ko 'yon kapag malayo ako sa lugar at mga taong makakapagpaalala sa'kin ng mga 'yon." Sabi ko

Totoo naman eh. Madami nang nangyari sa buhay ko. Hirap ako noon sa unang trabaho ko. I feel like I've been begging everyone to buy a house, condo, apartment that I, myself can't even afford to have. Nagpalipat lipat ako ng mga sumunod na trabaho, and muntik pa akong ma-rape. I've been scared to every guy now. Takot ako at traumatized. And I hate it.

"Alam ko. Hindi naman kita pipilitin eh. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, I just want you to know that I'll be waiting for you. Seryoso ako, Zia. Seryoso ako sa offer kong kasal sayo. I just don't want rush you, kaya papalayain kita ngayon." Sabi niya rin

I can feel sincerity in his voice right now. May nababakas din akong kalungkutan mula sa mukha niya. Totoo ba 'yang mga nakikita ko? Tss. Ayo'kong maniwala.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz