Confession Three: Who's that guy?
Ilang araw na naman ang lumipas. Hindi ko na ulit nakita si Zia. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang cellphone number niya. Hiningi ko 'yon sa lalaking kausap niya noon sa Cafe. Hindi siya sumasagot. Grabe, napaka-hard to get. Ako din, hard na. Ang sakit na sa puson.
Nagring 'yong telephone sa opisina ko.
"Hello?" sagot ko
(Good Afternoon, Sir. Nandito na po 'yong representative ng company na ki-nontact niyo noon.) sabi ng babaeng sekretarya ko
"Busy ako. Sabihin mo maghintay siya." sagot ko
Tinatamad akong makipag-usap ngayon. Kulang na yata ako sa haplos ng babae kaya ako nagkakaganito. Noong nakaraang araw pa kasi ang huling beses eh. Kasalanan 'to ni Zia! Masyado akong nakafocus sa kanya!
(Sir. Sabi ni Ms. Zia, wala daw siyang time para maghintay. Kung hindi daw po kayo pwede ngayon, aalis na siya.) sabi pa ulit ng sekretarya ko
"Z-zia? Zia Evanson?" tanong ko
(Yes, Sir.) mabilis niyang sagot sa'kin
"Damn! Papasukin mo! Dapat kanina mo pa pinapasok!" sigaw ko sa kanya
(Sabi mo kasi Sir busy ka. Kakaalis lang niya.) sagot no'ng Sekretarya ko
"Anak ng? Umalis na kaagad? Hinayaan mong umalis?!" sigaw ko
Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya. Lumabas ako sa opisina ko at tinignan kung maaabutan ko pa siya. May nakita akong babaeng nakatalikod, naghihintay ng elevator. Tumakbo agad ako.
Bumukas na 'yong pinto ng elevator, nakita kong papasok na siya. Agad ko siyang hinawakan sa braso at hinila paharap sa'kin.
"Ay!" sigaw niya
Medyo napalakas yata 'yong pagkakahila ko, medyo nasubsob kasi siya sa bandang dibdib ko pagkaharap niya.
"Ms. Zia, right?" tanong ko kaagad
Tinitigan kong maigi ang itsura niya. Sinisigurado ko na siya nga 'tong babaeng kaharap ko ngayon.
"Yes." sagot niya habang nakahawak sa ilong niya na nabunggo sa dibdib ko kanina
Nakahinga ako ng maluwag. Siya nga 'to. Hindi ko pa rin binibitiwan ang braso niya. Nakatitig ako ng diretso sa kanyang mga mata.
"Ah. Sir? 'Yong braso ko po, pakibitawan na." narinig kong sabi niya
I know, I have to let go of this arm. Pero bakit parang ayaw ko? Ayaw kong bumitaw sa kanya?
"Sorry nga pala kanina, hinila kita. Ako si Geoff. Geoff De Mayor. Ako 'yong makaka-meeting mo." pagpapakilala ko
Tinignan niya ako. Hindi ba niya ako naaalala? I'm sure natitigan niya ako no'ng gabi sa bar.
"Nice to finally meet you, Sir. Sabi ng Secretary mo kanina, busy ka?" sagot niya
She offered her hand. This time, finally I got a chance to touch her very smooth hand. Kamay palang niya, masasabi ko nang kapag ito ang humawak sa katawan ko, paniguradong langit ang punta ko at hindi sa impyerno.
"Nice to meet you too, Zia. Huwag mo na kong tawaging Sir." sabi ko
"But you're a Sir to me." nakangiting sabi niya
Nice. Simpleng request pa lang, natanggihan agad ako. Paano pa kaya kapag extreme na 'yong request ko? Baka sampal na ang abutin ko nito.
"Ok. Call me whatever you want. Kung saan ka kumportable." nakangiting sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/231645883-288-k730147.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession: Make her mine (COMPLETED)
RomanceThis story has been posted on my SECOND account way back 2015 (parang gago lang HAHAHAHA). Posting it here dahil hindi ko na maalala ang password ko don. (Confession Series) A one-woman-type of man (in bed) and a hopeless romantic girl. Paano nga ba...