Confession Thirty: End

3.6K 81 11
                                    

Confession Thirty: End

Zia

Bukas na ang balik namin sa France. Babalik na ako sa work ko, matagal na rin kasi akong naka-leave. Pinayagan ako ni Geoff, with one condition na sasama siya at do'n na rin magta-trabaho. Since isa na siya sa shareholders ng kumpanyang pinapasukan ko. Alam ko namang sinadya niya 'yon noon eh.

He will still handle their company with his Dad, pero do'n siya mag-i-stay sa France kasama ko. Okay lang naman sa'kin. Ayo'ko rin naman na mag-long distance relationship kami eh. Mahirap 'yon. At alam naman niyang hindi ako matiyagang magtext, tumawag o makipag-skype sa kanya eh. Tamad ako sa mga ganyan, at alam niya 'yon. Haha.

We're having our despedida at a very classy restaurant. Nando'n ang friends at family ni Geoff. Nando'n din ang friends ko. Wala naman akong problema sa family ni Geoff. Walang issue ang parents niya sa'kin. Buti naman mababait sila.

May dumaan na waiter. Agad akong dumampot ng champagne. Pero biglang may umagaw sa'kin no'n. Nilingon ko, at nakita kong si Jet ang umagaw ng glass ko.

"Gusto mong malintikan?" Banta ko agad sa kanya

"Easy. I'm just doing my job. I'm protecting you. Remember? Kailan mo balak sabihin sa kaibigan ko? Hindi pa niya alam hanggang ngayon." Sabi niya

Nanlaki ang mga mata ko. Shit. Alam niyang wala pang alam si Geoff. So, nagkausap sila?

"I'll tell him soon." Tipid na sagot ko tapos tinalikuran ko na siya

Baka kasi makita pa ni Geoff na nag-uusap kami nito, mag-away pa sila. Iwas na lang ako sa gulo.

Lumakad ako palapit sa pwesto ni Geoff. He's busy talking with some of his friends. Bumulong ako sa kanya. Tinanong ko kung kumain na siya. Sumagot siya sa pamamagitan ng pag-iling. Kaya nagpunta kami sa table namin, tinawag ni Geoff ang waiter para sabihan na i-serve na sa table namin ang food. Few minutes later, dumating agad ang food. Steak ang pagkain. Mukhang masarap. Natakam agad ako. Nagslice ako ng malaki at sinubo ko agad 'yon. Pero may nalasahan akong kakaiba. Hindi ko nagustuhan ang nalasahan kong 'yon. Naramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko, kaya nagpaalam ako kay Geoff na pupunta muna ako sa banyo.

*

Ilang minuto akong nag-stay sa banyo. Ayo'ko munang bumalik sa party, pakiramdam ko kasi ang lagkit at ang baho ko na. Naiirita ako. Gusto kong magpalit ng damit kaso paano naman? Eh nasa party nga ako. Kainis.

Lumabas ako ng cubicle. Buti walang ibang tao dito sa loob ng banyo. Naghugas muna ako ng kamay at nagmumog. Gusto ko din sanang maghilamos kaso matatanggal naman ang make up ko. Haaaay. Kainis, ang arte ko.

"Okay ka lang?" Biglang may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko

Medyo nagulat pa ako dahil boses lalaki 'yong nagsalita. Tumingin ako sa salamin at nakita ko agad na si Geoff pala ang nasa likuran ko. Pumasok siya sa banyo ng mga babae!

"A-anong ginagawa mo dito? Girl's bathroom 'to." Paalala ko sa kanya pagkaharap ko

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Hinimas himas niya ang likuran ko. By what he did, I felt calm and ease. Guminwaha ang pakiramdam ko.

"Ilang araw ka ng ganyan, Zia." Sabi niya

"Hindi naman. Ano lang. Nagloloko kasi 'yong tiyan ko." Palusot ko

"I'm not stupid, Zia. May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Tanong niya habang yakap pa rin ako

Bumitaw ako sa yakap niya. Nag-iwas ako ng tingin. Pero hinawakan niya ako sa baba at pilit na pinatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon