Confession Fifteen: Possible

2.1K 33 2
                                    

Confession Fifteen: Possible

Kahapon pa nangyari pero parang sariwang sariwa pa sa isip ko 'yong sinabi ni Geoff. Fall for him? Tapos ano? Sa bandang huli ako ang iiyak? Tss. Makapagfocus na nga lang sa trabaho. First day ko pa naman.

Nag aayos ako ng files, no'ng biglang magring ang phone ko.

"Hello?" sabi ko

(Zia, come on. Tell me, saan 'yang trabaho mo?) sabi ni Geoff

Grabe, ang kulit talaga. Hindi pa nakuntento sa text? Tumawag pa talaga?

"Saka na. Ano ka ba? Busy ako. Magtrabaho ka na lang din diyan. Bye na." sabi ko

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, binaba ko na agad. Mangungulit lang 'yon. Hindi ko na nga nireplyan sa text kanina eh. Paulit ulit lang din naman kasi ang isinasagot ko. Sabi ko hintayin niya muna akong maka-isang buwan bago ko sabihin kung saan ako nagtatrabaho. Baka kasi maudlot na naman 'tong trabaho ko eh.

Mukhang okay naman 'yong Boss ko. Mukha namang mabait. In fact, mukhang may girlfriend nga siya eh. May pumunta kasing babae dito kanina, tapos inakbayan niya 'yong babae. Kaya mukhang safe na magtrabaho dito.

"Zia, gusto mo daw bang sumama sa lakad namin mamaya?" aya ni Fred, isa sa mga bagong ka-officemates ko

Ngumiti lang ako.

"Naku, pass muna ako. Sorry. Bawi ako next time." sabi ko

"Gano'n? Busy ka ba? Dali na, kahit saglit ka lang. Para maka-bonding ka naman namin." pagpilit niya

"Next time na lang. Sorry talaga." tanggi ko

Iwas muna ako sa mga ganyan. Baka mabastos na naman ako. Medyo nakakatakot na rin magtiwala sa kung kani-kanino.

"Sige ha. Next time na lang. Make sure na sasama ka na next time." sabi niya

Ngumiti na lang ako. Pagkaalis niya, agad akong nagbalik sa ginagawa ko. Napansin ko 'yong cellphone ko, nagtext na naman pala si Geoff. Ba't ba ang kulit nito? Hindi naman 'to nagti-text dati eh. Nagreply na lang ako sa kanya.

Stop texting me. Office hours kaya. We'll talk later. Magtrabaho ka diyan.

Wala pang isang minuto nagreply siya kaagad. Geez. Nagta-trabaho ba ang lalaking 'to? Binasa ko na lang din 'yong reply niya.

I like that. Let's talk. In bed. Promise, hindi na kita bibitinin. I can't wait to get home, Honey. Huwag kang magpagod diyan. Save your energy for me.

Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa nabasa kong text ni Geoff. Langhiya! Ang bastos bastos niya talaga! Binaba ko na ang cellphone ko. Ayo'ko nang reply-an siya kung ganyan lang din mga irereply niya sa'kin! Tss.

*

After office, dumiretso na ako ng uwi. I got home exactly seven in the evening. Dumiretso ako sa unit ko na katabi ng unit ni Geoff. Ang sakit ng mga binti at paa ko. Ang layo na naman ng nilakad ko, jusme!

Agad kong hinubad ang suot kong high heels. Parang gusto ko nang matulog agad. Grabe, hindi agad ako nakapag-out kanina dahil medyo madami pang ginagawa saka nagpapa-impress pa ako. Bago pa lang eh.

"What took you so long?" biglang may nagsalita

Agad kong hinanap kung nasaan nanggaling 'yong nagsalita. I saw Geoff, lying on the sofa, nanonood ng tv. Teka, may tv na dito?

"Ba't ang dami nang gamit dito?" tanong ko

"Answer me first, Zia. What took you so long? Sabi mo 8AM to 5PM ka lang?" tanong niya ulit

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now