Confession Four: Tight

3.9K 67 1
                                    

Confession Four: Tight

Zia's Point of View

Thank god, it went well. Sana lang tawagan niya ako para tignan 'yong property. I badly need that client. Napag-iinitan na ako ng Boss ko. And I'm sure kapag hindi ko nakuha 'to, he will fire me. Tsk.

.

"Zi, ano na plano mo? Hinahanap ka ni Kuya kagabi. Ba't di ka nagpakita?" tanong ni Glen

Si Glen, kapatid siya ng lalaking lihim kong minamahal. Kuya niya si Jef. Si Jef, ang lalaking mahal ko. Naging tropa kami since pare-pareho kami ng University noong college. Naging classmate ko si Glen, which led my way to Jef. Close kami, sobra. Kaya hindi ako nahirapan na mahulog sa kanya. He's the husband material type. Wala ka nang hahanapin pa.

"Eh naduwag akong magpakita eh. Dapat kapag nagkita kami, sobrang ganda ko. Sayang naman ang two years ng paghihintay ko kung hindi man lang siya magandahan sa'kin sa muli naming pagkikita diba?" paliwanag ko

"Well, that's a good point. Akala ko kasi nagpapa-miss ka lang eh. Haha." asar niya

"Isa na rin 'yon. Kita mo, effective di'ba? Hinanap niya ako. Ibig sabihin, ramdam niya ang absence ko. Absence makes the heart grow fonder." tuwang tuwang sabi ko

"Oo. At absence can also make the heart forget." dugtong niya

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss! Oo na, magpapakita na ko mamaya. Susubukan ko." surrender ko

"Good! Kasi kapag hindi ka pa nagpakita, irereto ko na sa iba si Kuya." sagot niya

Binatukan ko siya. Nakakainis na eh. Problemado na nga ako sa trabaho, problemado pa ako sa lovelife ko! Kainis.

*

Hapon na no'ng makareceive ako ng tawag sa cellphone ko. It was a call from my client. Si Mr. De Mayor. He requested to see me, gusto niya daw kasing makita na 'yong ibang property. Tinanong niya rin ako kung meron kaming available na property sa province na malapit lang dito sa Maynila.

At ngayon, papunta na ako sa office niya. Sinabi ko kasing may available sa Cavite at Laguna. Big Shot ako nito kapag nagkataon! Isasampal ko sa mukha ng Boss ko 'to kapag naibenta ko 'to kay Mr. De Mayor.

"Zia, thanks for granting my request. Buti naman wala kang ibang lakad." sabi ni Mr. De Mayor

Then everthing snapped back to my mind! Si Jef! Magpapakita nga pala dapat ako sa kanya mamaya! Shoot. I forgot.

"Ah. Eh. Hindi naman importante, Sir. Kaya madali lang i-cancel 'yong lakad ko mamaya." palusot ko

I should make him feel that he's my priority. Bukas ko na lang po-problemahin si Jef. Babawi ako.

"That's good to hear." sagot niya

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Shall we?" sabi niya as he gave way for me papunta sa parking lot

Medyo matagal din ang biyahe kaya nagkwento muna kami ng mga tungkol sa sarili namin. Of all the clients I've met, isa si Mr. De Mayor sa mga mukhang mabait. Magaan ang loob ko sa kanya. Parang pamilyar pa nga ang mukha niya eh.

"So, are you single Ms. Evanson?" tanong pa niya

Nagpapalitan kasi kami ng tanong para hindi kami antukin.

"Ano ang sa tingin niyo, Sir?" tanong ko

Ayo'kong sumagot. Kasi kahit single ako ngayon, feeling ko in few days or weeks lang magiging taken na ko. Magiging kami na ni Jef! Wii.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now