Confession Twenty-One: Worth the pain

2.1K 39 7
                                    

Confession Twenty-One: Worth the pain

Zia

I woke up as the sunlight shines right through my face. Nasilaw ako, kaya bumaling ako sa kabilang part ng hinihigaan ko. Iidlip pa sana ako, nang biglang may naalala akong eksena na kagabi lang nangyari. I spent a night with Geoff. Again. Oh no. Ang dahilan nga kung bakit kami nagkita at nag-usap over dinner, dahil gusto ko ng closure between us. Tapos may nangyari na naman?! Stupid! Stupid girl!

Bumangon ako at umupo muna. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na naman na magpadala ako sa bugso ng damdamin ko kagabi. Okay na eh. We already said goodbye. Pero isang halik niya lang? Shete, bumukaka agad ako. Nakakainis na talaga! Bakit ba ako nagkakaganito pagdating kay Geoff?!

Inabot ko ang cellphone ko. Kaso, may nakita akong note na nakapatong do'n. Note galing kay Geoff. Umalis na pala siya. Buti naman.

Zia

I need to go back to the Philippines. May problem lang. Ayo'ko pa sanang umalis sa tabi mo, because I realized something last night. Babalik ako. Wait for me. Okay?

-Geoff

"Pfft! Wait for him? Utut niya! Umalis na pala siya eh. Eh di 'wag na dapat siyang bumalik!" Inis kong sabi sabay lukot sa papel na iniwan niya

Bumangon na ako at nagshower. Maaga na lang akong papasok sa opisina.

*

Two weeks. Dalawang linggo na ang lumipas, still no sign of him? Am I waiting? Tss. Hindi 'no! Manigas siya! Ay huwag pala. Iba ang nangyayari kapag naninigas siya eh. Tsk.

"Zia!" I heard someone's voice

Lumingon agad ako.

"Uy, Jef! Kamusta? Parang ang tagal mong wala sa opisina?" Tanong ko

"Oo, sinabak agad ako sa business trip pagkabalik ko dito eh. Kakabalik ko lang kanina. Kamusta trabaho mo? Ayos ka lang ba sa tinutuluyan mo?" Sabi niya

"Naku, ayos naman lahat. Okay na okay ako. Walang problema." Sagot ko

"Talaga? Nga pala. Hindi mo ba nagustuhan 'yong iPad?" Tanong niya

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko

"May nagbalik kasi sa'kin ng iPad mo, tapos may kasamang cash. May note pa. Sabi, 'Do something like this again to my girl, and I'll break all your bones. Back off.' May boyfriend ka? Siya rin ba 'yong sumuntok sa'kin noon?" Kwento niya

Agad akong napayuko. Kahit kailan ka talaga, Geoff De Mayor! Naku. Parang gusto kong biglang mawala sa harap nitong si Jef! Nakakahiya! Ang bait bait no'ng tao, tapos ginano'n no'ng walang hiyang De Mayor na 'yon!

"Naku, pasensya na. Hindi ko na boyfriend 'yon. Naghiwalay na kami, bago pa ako pumunta dito. Di lang siguro makamove on. Haha. Pasensya ka na." Sabi ko

After kong makipagkamustahan at humingi ng pasensya kay Jef, bumalik na rin ako sa trabaho.

Few days later, nilapitan ako ulit ni Jef. He said something surprising. Grabe, sobrang nakakagulat ang lahat ng pangyayari. At kahit nagulat ako, wala na rin akong nagawa kundi pumayag sa kanya. Si Jef 'yan eh. I can't say no to him. Akala ko masasaktan ako, hindi pala. Ibig sabihin, nakamove-on na nga ako.

He's getting married. May girlfriend pala siya dito? I even felt happy and excited for him. For them.

-

I was on my way to buy my grocery stocks, no'ng biglang mahagip ng mata ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki. No'ng una akala ko namamalik mata lang ako. But then, he turn around and I saw his face clearly. Si Geoff. He's back? Nandito siya ulit? Teka? Bumalik ba siya for me? Then I saw a woman standing beside her. Hinihila niya pa ito sa braso. Nice. After of being Missing in Action for almost a month, heto siya? Makikita kong may ibang kasama? Eh di wow.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now