Confession Eleven: No sound

2.5K 46 0
                                    

Confession Eleven: No sound

Geoff

I don't have a choice. I need to face Jet right now. Kailangan kong bawiin sa kanya ang resume ni Zia. At kailangan ko din makita ang address ni Zia do'n. Hindi na ako makakapaghintay pa ng ilang araw kung ipapahanap ko pa siya. I need to find her soon. Humanda siya sa'kin. No one can escape Geoff De Mayor. Sisiguraduhin kong matatandaan niya 'yan habang buhay.

I barge in to Jet's office. There he is, nakaupo sa pwesto niya. Acting like a very busy person pero ang totoo, all he knows is to fuck women.

"Jet, akin na 'yong resume ni Zia." sabi ko agad na wala nang paligoy ligoy pa

"What for?" kampante niyang tanong

"Akin na, Jet. Don't start a fight with me. Hindi ako magdadalawang isip na bangasan ka." banta ko

"Easy. Para saan mo nga gagamitin? All of my employee profiles are all confidential. Hindi ko binibigay 'yon basta basta." sagot niya

"Huwag mo kong gaguhin! Just give me what I need!" sigaw ko

"Haha. Bakit ba ang init ng ulo mo? Tigang ka ba? Gaano na katagal?" asar niya sa'kin

Walang patutunguhan ang usapang 'to. Napakagago niyang si Jet, I shouldn't have come to his office. Wala talagang kwenta ang isang 'yan.

I still have another option. Hindi ko kakailanganin si Jet para mahanap si Zia.

*

Zia

I was sweeping the floor no'ng dumaan si Martin, one of my housemates. Anim kaming nakatira dito sa iisang bahay. Lima silang lalaki, ako lang ang babae. Tropa ko lahat 'yan. Classmates ko no'ng college ang tatlo sa kanila. At 'yong dalawa naman, tropa nila.

Nagpapaka-wise lang kami. Ilang libo ang gagastusin namin kung nagkanya kanya pa kami ng renta, diba? Pero ngayong anim kami halos tagda-dalawang libo lang kami para sa renta at mga bills. Bukod pa 'yong pagkain do'n. Kanya kanya naman na kami sa pagkain namin eh.

"Zi, kanina ko pa napansin na namumutla ka. May sakit ka ba?" tanong ni Martin

Akmang hahawakan niya 'yong noo ko, but I immediately shove his hand away. Biglang nanginig ang buong katawan ko. I felt scared. Nabitiwan ko 'yong walis tambo na hawak ko.

"A-ayos lang ako. Sige, pasok na ako sa kwarto." sabi ko kay Martin

Dumaan ako sa kusina para kumuha ng tubig bago ako dumiretso sa kwarto ko. Nanginginig ang kamay ko habang umiinom sa baso na may tubig. Bakit gano'n? Bakit nakaramdam ako ng takot kay Martin kanina? Tsk. Humiga na lang ako sa kama ko.

"Zia! May bisita ka!" rinig kong sigaw ni Daryl mula sa sala

Bisita? Tsk. Tinatamad akong bumangon. Wala naman akong ibang kaibigan na pwedeng bumisita sa'kin bukod kay Glen. Kung si Glen man 'yan, didiretso na 'yan dito sa kwarto ko at mangbubulabog. Hay. Magtutulog tulugan na lang ako. Hindi naman siguro importante ang ipinunta niya.

"Zi! May bisita ka. Kaibigan mo raw! Papasukin ko na ha?" rinig kong sabi ulit ni Daryl habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko

I wasn't in the mood to entertain any visitors. Malaki ang problema ko ngayon. Wala na naman akong trabaho, I mean wala na akong babalikan sa kumpanyang 'yon. Baliw ako kung pupunta at babalik pa ako do'n para magtrabaho sa walang hiyang Jet na 'yon.

Pasalamat siya at walang nangyari, dahil kung nababoy niya talaga ako, baka naglaslas na ako ngayon. Haaays. I shouldn't be thinking about that now.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon