Confession Twenty-Two: The new guy

2K 34 1
                                    

Confession Twenty-Two: The new guy

Zia

"Oo na. Sasama na ako sayo." I finally gave in

Biglang nanglaki ang mga mata niya. He squeezed both of my arms and pulled me for a breath taking hug. Literal na halos malagutan ako ng hininga.

"Pero hindi ko sinasabing magpapakasal na ako sayo! Sasama lang ako sayo, sige. Pero magsisimula tayo sa wala. If you really love me, magsisimula ka sa panliligaw. Back to zero tayong dalawa." Paglalahad ko ng mga kondisyon ko sa kanya

He looked at me amazed.

"No love-making?" Tanong niya

Umiling ako.

"Yes, no. I mean, yes. As in, wala. Matuyot ka mag-isa mo, De Mayor." Mariin kong sabi

"Di bale, papasagutin agad kita. Para 'yes to love-making' na." Nakangiting sabi niya at niyakap niya ulit ako

Sobrang napagod ako no'ng gabing 'yon. Kaya nagrequest ako sa kanya na uuwi muna ako sa Apartment ko, since nando'n pa ang lahat ng gamit ko. Gusto sana niya, do'n na ako sa bahay niya uuwi, hindi ako pumayag. Kaya we ended up sleeping in my Apartment. Yes, we just slept. Sa upuan siya natulog. Do'n ako sa kwarto ko. Seryoso ako do'n sa kundisyon ko, na no love-making, dahil gusto kong mag-back to zero kami. As in simula sa umpisa lahat. Step by step. Hahayaan namin ang sarili namin na maramdaman na mahal nga namin ang isa't isa. Hindi naman minamadali ang pagmamahal, di'ba?

*

"Kailan ka lilipat sa bahay?" Tanong ulit ni Geoff

Panglimang tanong na yata niya sa'kin 'yan ngayong umaga. Uminom muna ako ng kape before giving him an answer.

"Hindi ko alam." Sagot ko

"Pero pumayag ka na." Paglalambing niya

"Oo, pumayag ako. Pero hindi ko sinabing lilipat ako agad agad. Marami pa akong dapat asikasuhin. Saka nakakapagod, kakalipat ko lang, kakaayos ko lang ng mga gamit ko, tapos mag-iimpake na naman? At isa pa, kapag lumipat ako sa bahay mo, hindi ba tayo masyadong naja-jump ng too much steps? Diba I told you, I want to start from zero. And we'll take it step by step?" Paliwanag ko

"I love you." Sabi niya bigla sabay lapit sa'kin at yakap mula sa likod ko

"Kumakain ako ha." Saway ko sa kanya

"Payakap lang. No love-making na nga, ipagdadamot mo pa ang yakap?" Pagda-drama niya

Hinayaan ko na lang. Pagkatapos kong kumain, naligo na rin ako. Pinapaalis ko na si Geoff, pero ayaw niya pa rin. Sabi niya ihahatid niya ako, eh di pumayag na rin ako. Mukha namang wala siyang trabaho, dahil malamang nasa bakasyon lang 'to kaya nandito.

I arrived early at work. Hinatid lang ako ni Geoff tapos umalis na din siya. Buti naman, makakapagfocus na ako. Madami pa akong dapat tapusin, dapat magawa ko na ang mga 'to, para hindi na ako mag-overtime ng weekend. Nakakapagod, nakakastress.

Nasa workstation ako, nang makarinig ako ng mga bulung-bulungan, nilingon ko kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita kong may nagkukumpulan. Hindi sana ako lalapit, dahil baka pagalitan kami. Pero dahil na-curious ako, humigop muna ako sa iniinom kong chocolate drink saka tumayo at naki-tsismis sa mga nagkukumpulan.

"Hey, what's going on?" Tanong ko do'n sa isa

"There's a new guy. And he's so handsome, as in. Oh my god. He's like my future man!" Kilig na kilig na sabi ng isang ka-trabaho ko

Lumingon lingon ako para hanapin 'yong tinutukoy nila. Wala naman akong makita. Babalik na lang sana ako sa workstation ko, pero nagkagulo na naman sila.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now