Confession Nineteen: Hot for him

2K 38 7
                                    

Confession Nineteen: Hot for him

Zia

One week later after kong umalis. Things went well with Jef. Hindi niya ako pinapabayaan. Tanggap ko na rin na hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko lang noon mahal ko na siya dahil infatuated nga ako sa kanya. Well, bata pa kasi ako noon.

I got a new job. Same company kami ni Jet pero magkaiba ng department. Masaya ako sa trabaho. Ito ang pangarap ko eh. Mataas na sahod, sikat na kumpanya, may bonus pa nga dahil sa ibang bansa ako nagtatrabaho. Hindi ko akalain na makakapunta ako dito, sa France.

Every two days nagcha-chat kami ni Glen. I miss him. Pero ayokong masyadong mag-isip dahil baka ma-homesick ako.

"Hey there, Zia. Wanna go clubbing with us tonight?" Tanong ng isang amerikano na kasamahan ko sa trabaho

"Sorry, I already have plans tonight. Maybe some other time." Tanggi ko

Wala naman talaga akong ibang plano mamayang gabi eh. Matutulog lang ako. Natatakot kasi akong sumama sa kanila. Ewan ko ba. Basta simula no'ng ginawa sa'kin ni Jet noon, natakot na ako sa ibang lalaki. Kahit nga kay Glen minsan natatakot ako. Pero kay Geoff, hindi. Tsk. Naalala ko na naman siya.

Masaya naman na ako sa pinili ko. Hindi ko na dapat siya iniisip.

*

Naglalakad na ako pauwi sa Apartment na tinutuluyan ko. Medyo madilim na, pero may mga street lights naman kaya nakikita ko pa ang daan. Isang building lang ang pagitan namin ni Jet. In-offer-an niya nga ako na do'n na lang sa Apartment Building nila para magkalapit lang. Eh nahihiya naman ako, baka isipin niya inaabuso ko siya, kaya nagdahilan ako na may nagustuhan akong unit do'n sa Apartment Building ko ngayon.

"So, you're here? You chose your first love over me?" Biglang may nagsalita pagpasok na pagpasok ko pa lang sa building

Hinanap ko kung sino 'yong nagsalita, and I was very surprised to see Geoff De Mayor standing beside the stairs. Nakatingin siya sa'kin while his arms were crossed in front his chest.

I stayed silent. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Medyo natakot din ako, dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Geez. I should be brave.

Naglakad ako. Lalagpasan ko sana siya kaso bigla ulit siyang nagsalita.

"What happened, Zia? Bakit ka nang-iwan? I told you to wait. I'll be coming home soon, at halos magpaka-SuperSayan na ako do'n para matapos ko agad ang trabaho ko so that I could go home and see you, and make love to you. Pero wala na pala akong babalikan pag-uwi ko?" Sarkastikong sabi niya

"Wala. I just need to leave. Kaya umalis ka na. You shouldn't be here." Sabi ko without facing him

"Bakit? Ayaw mong makita ako no'ng lalaking kasama mo dito? Masaya ka na ba sa kanya? Hindi ba kita napapasaya, Zia? Kaya ka sumama sa kanya?" Tanong niya

"Masaya ako. Masaya ako sa ginawa kong pang-iiwan sayo." Sagot ko sabay takbo paakyat sa hagdan

Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Ayo'ko na siyang pagsalitaan ng masakit. Ang sama ko na nga dahil iniwan ko siya ng walang paalam eh. Tapos pinagsasalitaan ko pa siya ngayon ng masasakit? Anong hayop na ba ako? Tss.

-

I couldn't sleep that night. Naguguluhan na ako. Kaninang nakita ko siya, parang gusto ko siyang yakapin? Pero natatakot ako, dahil I know how much I've hurt him. Dalawa ang naramdaman ko kanina no'ng makita siya. Saya at lungkot. Saya, dahil namimiss ko na siya at no'ng makita ko siya, lumundag ulit ang puso ko. Lungkot, dahil sinusubukan ko siyang kalimutan pero heto siya.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora