Confession Fourteen: Command

2.3K 44 2
                                    

Confession Fourteen: Command

He keeps on telling me that his body craves for mine. I don't know if I should believe him. Pero parang ang katawan ko, naniniwala sa kanya. I keep on letting him do all that he wants with me, sana lang hindi ko pagsisihan 'to.

"Aalis ako mamaya." sabi ko

Nandito pa rin si Geoff sa unit ko daw. Hindi pa siya umaalis dito mula pa kanina. Pati mga damit ko nandito na rin pala.

"Bakit?" tanong niya

"Ano'ng bakit? Siyempre kailangan kong humanap ng trabaho." sagot ko

"What for? Hindi na kailangan. I will give you what you need." sabi niya

"What are you? A sugar daddy? And what am I? A gold digger? No, thanks. I can support myself." sabi ko sa kanya

"Don't be a stubborn girl, Zia. I can't handle another issue again with other men because of you. Baka makapatay na talaga ako sa susunod." banta niya

"Then don't handle it. You don't have to, you know that." sagot ko rin

Tinignan niya ako ng masama.

"That's final. You don't need to find a job. I can give you one if you really want to work." sabi niya

Hindi na ako umimik. Never naman kaming nagkasundo niyan kapag nag-uusap eh. Pareho kaming hindi nagpapatalo.

Kinahapunan, bumalik siya sa unit niya. Pagkaalis na pagkaalis niya, I took a bath. Nagmadali ako. Good thing, dala niya lahat ng gamit, damit at sapatos ko. Nagsuot ako ng heels at ng medyo pormal na damit, kailangan kong gawin 'to. Desidido na 'ko. Maghahanap ako ng trabaho. 'Yong matino. 'Yong walang bastos na Boss.

Nakasakay na ako ng elevator pababa. May nakasabay akong lalaki sa elevator. May kausap siya sa cellphone.

"Dude, kakagaling ko lang sa kanya. Seriously? Gusto mong pilitin ko siya? Busy ako. I told you, marami akong ginagawa sa opisina. Serious nga ako! Kulang ako sa empleyado. You know me, I hate doing clerical works." sabi niya sa kausap

I got an idea. Bumukas na ang pinto ng elevator. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya ng building.

"Excuse me, Sir?" tawag ko do'n sa lalaki

Lumingon siya sa'kin at tinignan niya kung may iba akong tinawag bago siya sumagot.

"Yes? Are you talking to me?" tanong niya

"Yes, sir. Ano po kasi, sorry. Narinig ko po 'yong sinabi niyo sa kausap niyo sa phone no'ng nasa elevator kayo." sabi ko

"Ah. No. Okay lang 'yon." sagot niya

"Ano po kasi. Narinig ko po kasing sabi niyo, kulang kayo sa empleyado? Itatanong ko po sana kung hiring kayo? Baka pwede pong mag-apply ako?" buong tapang kong tanong

"Clerical works lang ang opening sa Department ko sa ngayon, pero kapag may bakanteng position, pwede mo namang apply-an once you got in. May work experience ka na ba?" tanong niya

"Meron po." sagot ko

Matagal muna akong tinitigan ng lalaking kausap ko bago siya sumagot.

"You're hired." sabi niya

Nanglaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. As in? Hired na ako? Gano'n gano'n lang? Nagtanong lang ako kung may hiring, tapos ngayon hired na? Panaginip ba 'to?

"By the way, what's your name?" tanong niya

"Zia, sir. Zia Evanson." sagot ko while offering my hand for a shake hands

Confession: Make her mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon