Confession Twenty-three: This is it

1.8K 33 2
                                    

Confession Twenty-three: This is it

Zia

Now I understand everything. Akala ko binili na ni Geoff ang kumpanya kung saan ako nagtatrabaho eh. Malalagot talaga siya sa'kin. He's just a shareholder daw. Pumapalusot pa.

Pinakiusapan ko siya na huwag na siyang pumasok do'n sa opisina namin, dahil ayoko namang ma-chismis ako. Pumayag siya. Sabi niya dadalaw-dalaw lang daw siya. Tss.

"Aalis lang ako saglit. Babalik ako after one hour. Hintayin mo ko, ha? Bawal kang matulog." Sabi ni Geoff

He kissed my forehead before going out. Kakatapos lang din kasi namin kumain ng dinner. Niligpit ko muna ang mga pinagkainan, saka ako nanood ng t.v.

Lagpas isang oras na ang lumipas, hindi pa rin nakakabalik si Geoff. Hindi na kaya ng mata ko ang antok. Kanina kaya ko pang pigilan eh. Pinipilit ko pang manood ng t.v, pero ngayon hindi na. Sobrang antok na antok na ako, kaya pumasok na ako sa kwarto. Gigising na lang ako pagdating niya.

*

Pagmulat ko ng mata ko, maliwanag na. Napapikit ako ulit dahil nakakasilaw ang liwanag. Tapos bigla kong naalala na hinihintay ko nga palang makabalik si Geoff kagabi. Hindi ba siya nakabalik?

Bumangon ako agad at tinignan ang paligid. Wala si Geoff. Mukhang di nga siya nakabalik kagabi. Tsk. Patayo na ako nang makita ko na may nakapatong sa bedside table ko. May nakatakip na pagkain do'n, mukhang may note din, kaya lumapit ako para kunin at basahin ang note.

Good Morning Sweetie,

Sorry, hindi ako nakabalik kaagad kagabi. Something came up. Pagbalik ko tulog ka na. I cooked breakfast. Sana mabusog ka. See you later. Punta ka sa bahay, do'n tayo magdinner. I love you. Take care.

-Geoff

Tss. Pagbalik niya, tulog na ako? Malamang, anong oras na no'n eh. Inilapag ko na sa table 'yong note na iniwan niya at kinain ko na lang ang hinanda niyang breakfast pagkatapos kong maghilamos at mag-gargle. Kinuha ko 'yong isa pang note na iniwan ni Geoff. Sinulat niya rin kasi ang address ng bahay niya. I still can't believe na may bahay siya dito. Ano ba ang nasa isip niya? Tss.

*

Pagdating ko sa opisina kanina, sumama agad 'yong timpla ng tiyan ko. At first, akala ko 'calling of nature' lang eh, kasi ang dami kong nakain kaninang umaga. Nag-early out na lang ako, isu-surprise ko mamaya si Geoff. Haha. Bumili muna ako pagkain ko, para may kakainin ako habang nasa taxi papunta sa address ng bahay na binigay ni Geoff.

I was busy munching chocolate mallows no'ng huminto 'yong taxi. Dito na pala. Nagbayad ako at saka bumaba. Binuksan ko ang gate. Huminto ako sa harap no'ng dalawang guard, akala ko kasi sisitahin ako. Pero hindi. Kaya dumiretso na lang ako.

"Ito ba 'yon? Saan ba banda dito? Parang wala namang bahay dito?" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad

'Yong daan kasi, parang garden. Puro tanim ang nakikita ko. Parang wala namang bahay. Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa may matanaw ako.

"Deym." Bulalas ko

Nabitiwan ko ang iniinom at kinakain ko. Literal na napanganga ako. Shutanginamels! Ang laki ng bahay! Teka? Bahay is understatement! Mansyon 'to! Putek? Kay Geoff De Mayor 'to? Ano bang nasa isip niya ba't siya bumili ng ganito dito?

Lumakad pa ako palapit. Hinawakan ko ang pihitan ng napakalaking pinto. Parang higante naman ang nakatira dito, ba't ang laki ng pinto? Tss.

"Oh. Good afternoon, Ma'am? Maaga po yata kayo?" Bati sa'kin ng isang matandang babae

Kumunot ang noo ko.

"Kilala niyo po ako?" Tanong ko

Ngumiti sa'kin ang matanda.

"Oo naman po. Ibinilin po kayo ni Sir. Pinakita niya po ang litrato niyo sa'kin, Ma'am. Pero mas maganda po kayo sa personal. Ako po si Myrna, tawagin niyo na lang po akong Manang Myrna." Puri sakin ng matanda

"Naku, hindi naman po. Okay lang po ba na pumasok na ako dito Manang Myrna?" Tanong ko

"Wala pong problema. Kumain na po ba kayo? Gusto niyo po ba ng merienda Ma'am? Pasensya na po kayo ha, hindi ako marunong mag-ingles." Sabi ng matanda

"Naku, ayos lang po. Filipina din naman ako. Mas sanay nga po ako sa tagalog. Kumain na po ako kanina. Makikihingi na lang po sana ako ng tubig, kung okay lang? Salamat po." Sagot ko

"Sige, walang problema. Sandali lang, Ma'am. Ikukuha kita." Sabi niya saka tumalikod paalis

Instead of sitting down, napag-isip isip kong maglakad at mag-ikot sa bahay ni De Mayor. Napakayaman talaga ng kumag na 'yon. Naglustay ng pera para bumili ng ganito kalaking mansyon? Umaapaw na ba ang pera niya masyado? Baka wala na siyang mapaglagyan kaya ganito? Tsk.

Umakyat ako sa hagdanan. Ang daming kwarto. Sinilip ko 'yong iba do'n. Grabe, ang gaganda. Nakakamangha. May mga paintings pa na mukhang mamahalin din. Parang nakakatakot hawakan eh.

Napukaw ng atensyon ko ang kwarto na may bukas na pinto. Nasa dulo 'yon, pero maliwanag. Lumakad ako papunta do'n para silipin din sana ang kwartong 'yon. Pero laking gulat ko nang may makita akong babae na nasa loob ng kwartong 'yon. Babaeng nakasuot ng maiksing shorts, at naka-bra lang. Palakad lakad ito sa harap ng salamin, mistulang naglalagay ng cream sa mukha at may kausap sa cellphone. Sino siya?

"Ano ba? Kaya nga ako nandito eh. Mahal ko 'yon, kaya nga ako nandito eh. Hayaan mo siya. Magigising din 'yon sa katotohanan. Oo, safe ako dito. Inaalagaan ako ni Geoff. 'Yon pa? Eh alam ko namang mahal ako no'n! Huwag ka ngang ma-drama! Babalik ako diyan ng buhay! Babalik kami ni Geoff. Siraulo! Babye na!" Sabi ng babae sa kausap niya sa cellphone

Medyo hindi malinaw sa'kin no'ng una. Pero napagtagpi-tagpi ko lahat ng sinabi no'ng babae kanina. Mahal daw siya ni Geoff? So, 'yong sinasabi ng babae kanina na mahal niya, si Geoff din? Teka. Nagmamahalan pala sila eh? Ano'ng role ko dito?!

Biglang nagflashback sa utak ko 'yong mukha no'ng babae. Nakita ko na siya noon. Tama. Siya din 'yong nakita ko na kasama ni Geoff. Pero itinanggi niya no'ng sinabi kong may iba na siya. Ano ba ang totoo?!

Hindi tama 'tong kutob ko. Punyemas! This is it! Sapat na 'to to wake me up! This is bullshit.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now