Confession Seven: Regret

2.5K 49 2
                                    

Confession Seven: Regret

Zia

Natapos ang first day ko sa opisina. At hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Kaya pagpatak pa lang ng 6pm, nag out na agad ako. Nakapagreport naman na ako kay Sir kaninang 5:30pm kaya pwede na akong umuwi. Parang kailangan ko nang ipahinga ang utak at katawan ko.

Naghihintay ako ng masasakyan sa tapat ng building, magtataxi na lang muna ako ngayon, sa kabilang kanto pa kasi ang sakayan ng jeep at bus eh, tinatamad akong maglakad.

Biglang may humintong kotse sa harapan ko. Umatras ako at lumakad palayo sa kotse, kasi natatakpan ako no'n. Hindi ako makikita ng taxi driver kapag nagkataon na may dumaang taxi dito.

"Zia, hatid na kita." I heard someone's voice

Napalingon ako.

"Ikaw na naman?!" sigaw ko

"Napadaan lang ako. Nakita kita. So, tara na?" sagot niya

Tumaas lang ang kilay ko at tumalikod na ako sa kanya. Nagbago na ang isip ko. Hindi na pala ako tinatamad maglakad. Lalakarin ko na lang papunta sa kabilang kanto, do'n na lang ako sasakay ng jeep, bus o fx. Whatever comes first. Bahala na. Kaysa naman makasama 'tong walanghiyang lalaki na 'to.

"Teka! I'm still talking to you!" rinig kong sigaw niya

Hindi ko siya pinansin. Gusto ko nang makarating sa kabilang kanto, at makauwi. Pagod na pagod na ko.

"Zia!" sigaw niya pagkahawak niya sa braso ko

"Ano ba?!" sigaw ko rin

"Akala ko ba okay na tayo?" tanong niya

"Anong okay? Hindi tayo okay!" sigaw ko sabay hila sa braso ko na hawak niya

Naglakad ako ulit.

"Paanong hindi okay. We already talked! Okay na tayo kanina!" paalala niya

"Talking ba 'yong ginawa mo? It's harassment! Hindi talking 'yon!" sagot ko

Binilisan ko ang lakad ko. Kailangan kong lumayo sa lalaking 'yon. Kapag nadidikit ako sa kanya, nawawala ako sa katinuan eh!

"Stop right there, Zia! Or else, I will take you here, right now." banta niya

Napahinto ako. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi dapat ako magpaapekto.

"Kung maaabutan mo ko." sagot ko sabay takbo palayo sa kanya

Sobrang kabado ako habang tumatakbo. Dahil alam kong pwede niyang totohanin sa'kin 'yong banta niya. Manyak 'yan eh. Hayop pa. Tss.

Pagkarating kong sa kabilang kanto. Pumara agad ako ng fx. Buti na lang may bakante pang isa sa bandang likod. Grabe. Pagbukas ng pinto ng fx. Nagdive na agad ako papasok. Tumama pa tuloy 'yong tuhod ko sa apakan. Tsk.

"Manong! Paandarin mo na!" sigaw ko kahit hindi pa ako nakakaupo at hindi pa naisasara 'yong pinto sa likod

I got bruises on my right knee. Ang hapdi. Tsk. Hindi ako pwedeng magsuot ng maiksing palda nito bukas. Ano ba 'yan, first day pa lang kung anu ano na ang nangyari sa'kin.

*

Zia

Tinakbuhan ako ni Zia. Great. Natakasan niya ako. Palagi na lang. Bumalik ako sa opisina ni Jet. I need to talk to him.

"Jet. I want you to back off." sabi ko agad

"What? Hindi pa nga ako nagsisimula eh." sagot niya

"She's my girl. She's mine. Akala ko ba walang talo talo sa babae?" paalala ko sa kanya

"Nope. She's not yours. You own no one. Dahil alam kong kapag nakuha mo na ang gusto mo sa kanya, iiwan mo na siya. Madali kang magsawa, Geoff. Ako hindi. Maybe after five to ten times of me being inside her, saka lang ako magsasawa. Kaya ikaw ang magback off, Pare. You don't know how to appreciate a woman's body." sagot niya

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now