Confession Ten: This isn't a goodbye.

2.6K 44 2
                                    


Confession Ten: This isn't a goodbye.

I was very exhausted because of the extreme exercise that Zia and I did last night. Pakiramdam ko ubos na ubos ang lakas ko. Inubos ko na kay Zia lahat. I can't even open my eyes now, tinatamad pa ko kahit alam kong umaga na.

Bumaling ako sa kabilang side ng kama, kung saan nakapwesto si Zia. I extended my arms to hug her sana. But I touched nothing. Napamulagta agad ako. Kanina lang tinatamad at inaantok pa ako, pero ngayong wala si Zia sa tabi ko, I feel like I already drank two cups of black coffee.

"Zia?" tawag ko sa kanya

Umalis na ba siya agad? Teka? Ayos na ba siya? Okay na ba pakiramdam niya?

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. I was about to call her name again, pero nakita ko na siyang nakahiga sa sofa at nakabalot ng kumot na para siyang uod. Di ko tuloy namalayan na kanina pa pala ako nakangiti.

Lumapit ako sa kanya to look closely at her face. Napaka-amo ng mukha niya. Napakaputi. Napakakinis. At higit sa lahat, napakaganda. Teka? Why am I complimenting her like this? Tss.

Lumakad na ako papuntang kitchen. I decided to cook something for Zia. Para tuluyan nang umayos ang pakiramdam niya. Kapag sigurado ko na, na kaya na ni Zia na makauwi, saka kami magtu-tuos ni Jet. Hindi pa kami tapos na dalawa eh. Hindi pa ko tapos sa kanya.

I was slicing ingredients and cooking something no'ng may narinig ako.

"Achoo!" I heard someone sneezed

Kaya sinilip ko agad si Zia sa sala. Nakita kong nakaupo na siya sa sofa pero balot na balot pa rin ng kumot ang katawan niya. Lumapit agad ako to check her.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya

Napatingin siya sa'kin sandali.

"Achoo!" nabahing siyang muli

Inabutan ko siya ng tissue.

"Here. Bakit bigla kang sinipon?" tanong ko sa kanya

She blow her nose gamit 'yong binigay kong tissue sa kanya.

"I slept wearing nothing kagabi habang nakatodo 'yong aircon mo. Pagkagising ko, hindi na ako nakakumot. Maybe because malikot akong matulog. So I decided to sleep here sa sala mo." paliwanag niya

I just gave her a smile. Kinakausap na niya ako. At least kahit papaano may progress na.

"Bukod sa sipon? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko

Hinawakan ko siya sa noo. And I was shocked no'ng maramdaman kong mainit siya.

"May lagnat ka ah?" sabi ko

Iniwas niya 'yong noo niya sa kamay ko.

"I'm fine. Itutulog ko lang 'to sa bahay tapos mawawala na rin 'to agad." sagot niya

Tumayo siya at tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Nakabihis na pala siya.

"Wait. Aalis ka? Kahit masama pakiramdam mo? I won't let you, Zia." sabi ko

Huminto siya at humarap sa'kin.

"I can't stay any longer, Geoff. Masyado na kitang naabala. I owe you a lot. At ayaw ko nang madagdagan pa 'yon. Nakakahiya na. To think na hindi rin naman naging maganda 'yong trato ko sayo this past few days but still, you're doing all of these to help me." sagot niya sa'kin

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat.

"Don't worry, Zia. I'm doing these things willingly." sagot ko

"I should have listen to what you said to me about Jet." bulong niya

"Tapos na 'yon. Ang mahalaga wala siyang ibang nagawa sayo. Sapat na sa'kin 'yon, Zia. Kasi kung meron, baka nagpatayan na kaming dalawa kahapon." paliwanag ko

"Kung hindi ka dumating, malamang nagtagumpay siya sa plano niya." sagot niya

I can still remember her words to me last night. I can only see myself doing this with you. No one else. Nakakatuwang isipin na ako lang ang nasa isip niya na kasamang gagawa ng bagay na 'yon.

"I was really lucky na dumating on time." sabi ko

I couldn't control myself. Hinila ko siya payakap sa'kin. I want to comfort her. At kahit alam kong parang ang drama ng scene namin, wala akong pake. I really want to hug her.

"Achooo!" napabitaw ako sa pagkayakap sa kanya no'ng muli siyang bumahing

"I really can't let you go now, Zia. Mukhang hindi pa talaga maganda ang pakiramdam mo." sabi ko sa kanya

"Okay. I'll listen to you this time. Since I owe my life to you right now." sagot niya

"Good girl." sabi ko

After that, pinakain ko muna siya ng porridge na ginawa ko kanina. Naisip ko kasi na huwag muna siyang pakainin ng heavy meal, since wala siyang kinain kagabi. Baka mabigla 'yong tiyan niya. Gano'n kasi nararamdaman ko kapag hindi kumakain sa gabi eh, tapos bigla kakain ng marami sa umaga.

After we ate breakfast, nagpahinga lang siya saglit tapos pinatulog ko na siya ulit. Pinainom ko siya ng gamot at pinagpalit ko siya ulit ng damit para mas kumportable siyang makapagpahinga. Pinahiram ko muna sa kanya 'yong t-shirt at boxer shorts ko.

I find it really relaxing to see her sleeping face. Nakakawala ng galit. Galit kay Jet. Hay.

*

Zia

I woke up in the middle of the afternoon. Medyo ayos naman na yata ang pakiramdam ko. Hindi na ako masyadong nilalagnat. I think, kaya ko na.

Hinanap ko si Geoff para makapagpaalam sana ako. But I couldn't find him. I decided to leave a note para magsabi na uuwi na ako and to say thank you na rin for all his help.

Sana lang malagpasan ko lahat ng mga dinadanas kong pagsubok ngayon. I couldn't think straight simula pa kahapon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang bangungot. Sana nga bangungot na lang lahat para pwede pa akong magising. Kaso hindi eh.

Pumara agad ako ng taxi paglabas ko ng building ng condo ni Geoff. Hindi ko alam kung magkakasya ba 'tong pera sa wallet ko pangbayad sa taxi hanggang sa'min, pero bahala na. Gusto ko nang umuwi.

*

Umalis ako sandali dahil nakareceive ako ng phone call from my office. Isang oras din akong nakipagmeeting. Kampante naman ako dahil alam kong tulog pa si Zia sa kwarto ko. Nagpapahinga pa siya kaya hindi niya mararamdaman na umalis ako.

Pabalik na ako ngayon, but I decided to buy some fruits para may makain si Zia mamaya paggising niya. I bought apples, oranges and grapes. Hindi ko kasi alam kung ano ang prutas na paborito niya Okay na siguro 'to.

I drove fast pabalik sa Apartment ko. I can't wait to see her. But all of my excitement fade away, when I saw a note on my sofa.

Geoff,

I couldn't find you kaya nag-iwan na lang ako ng note. I just wanna say thank you for all that you've done for me. Ayos na ang pakiramdam ko. I'm going home now. Pasensya na rin sa abala. And sorry for causing trouble between you and your friend. I'll always be grateful to you. Bye.

-Zia

Napaupo ako after reading her letter. Umalis na siya? Hindi ko man lang siya nakita bago siya umalis. Ni hindi ko man lang siya naihatid. I'm not even fucking sure kung totoo mang ayos na nga ang pakiramdam niya.

Damn! Napakahirap naman intindihin ng mga babae! Sa sobrang inis, naibato ko sa pader 'yong mga prutas na binili ko para sana kay Zia. She even said bye sa note? Hindi pwede, hindi pa ako tapos. I should be the one to say if it's the end for the two of us or not. Hindi pa ako tapos! I still want her. This isn't a goodbye yet.

Confession: Make her mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now