Chapter Four

2.1K 111 6
                                    

Chapter 4


I awkwardly and hesitantly smiled at him while he's mopping the floor here at the gym. He remained serious and annoyed though. Bakit siya pa ngayon ang galit? May kasalanan din naman siya ah. Kung hindi niya sana sinabi sa akin iyon eh 'di hindi ko siya hinabol at sinigawan.


I wiped my sweat as I bring the ball back to the cart.


Ah, this is my first time getting a punishment. We will clean the whole gym and the gym was too big! Grabe ang dami ring nagkalat na mga bola ng basketball. Ni hindi man lang ayusin ng mga gumamit oh.


Marahas akong nagbuntonghininga bago umupo sa isang bench. Tumingin siya sa akin at napasimangot nang mapagtantong hindi ko siya tutulungan. So grumpy. Natawa ako doon. Hindi ba marunong ngumiti ang isang ito?


"This is your fault!" I shouted again. This time wala nang maninita sa amin dahil uwian na. Pasado alas singko na ng hapon.


He stopped mopping and he is looking at me with annoyance in his face. I smirked.


"Sino kaya iyong parang baliw na sumigaw?"


"Kung sana hindi mo ako nilait edi hindi kita sisigawan," giit ko.


"Tsk." 


Kita mo 'tong lalaking 'to oh. Ma-attitude! Mayghad! I massage my shoulders cuz it is already feeling numb. Pati likod ko sumasakit na rin dahil sa pagyuko kanina. Hindi ako sanay. Hindi rin kasi ako nage-exercise. Nakakatamad kaya.


Tumayo ako nang makitang tapos na siya sa pagmo-mop. Dere-deretso siya sa paglalakad palabas. Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang bag.


"Hintayin mo ako!" sigaw ko muli sa kanya at saka mabilis na tumakbo patungo sa kanya para maabutan ko siya. Pasakit sa akin ang mga dala kong T-square at blueprint tube.


"Hobby mo ba ang sumigaw?"


"What?!"


"See? You're shouting again."


"Because you're annoying."


"Ako pa ngayon ang annoying?"


"Bakit ba ang sungit mo?" hindi na siya nagsalita.


"Para kang babae kung magsungit." I pouted my lips. I don't know why I am following him. Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante.


"Bakit ka nandito?" pabalang niyang tanong. Nagtaas ako ng kilay.


"Duh, may amnesia ka ba? Malamang katatapos natin maglinis dahil parusa natin iyon." Humalukipkip ako at saka siya hinarap.


He sighed first then he shifted his body to face me. Galit na naman.


"Dapat sinusundo ka rito ng boyfriend mo o 'di kaya puntahan mo siya." I stopped. Nag-iwas ako ng tingin at saya umayos ng tayo.

The Song's Memory (Engineering Student #2)Where stories live. Discover now