Chapter Twenty Five

1.9K 95 26
                                    

Chapter 25


"Hindi ka raw pumasok kahapon dahil may sakit ka? Anong nangyari? Are you now okay?" that was Daniel. I told him what happened yesterday then the part where Kai accompanied me.


"So... did he mention something to you?" tanong niya sa akin.


"Uh. Yes," I said. I looked at him and he is watching me intently, waiting for my explanation.


"He said he won't leave me so he did until I went home," I said while reminiscing what happened yesterday. Parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.


"I'm sorry... wala ako doon edi sana ako ang kasama mo," sabi niya. Ngumiti ako at saka lumapit sa kanya. Nandito kami sa annex ngayong dalawa. Ang sabi niya ililibre niya ako dahil sa nangyari kahapon and then I agreed.


"It's okay Daniel. Nandoon naman si Kai." Umawang ang kanyang mga labi. Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siya. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo.


"Salamat sa paglibre..." sabi ko. 


"Sige punta na ako sa next class ko." akmang aalis na ako nang tawagin niya ako.


"Zarah,"


"Hmm?"


"Susunduin kita mamayang uwian. May... sasabihin lang ako," aniya. Kumunot ang noo ko pero kalaunan ay tumango bago umalis.


While I was on my way to our building... I saw Kai walking in the hallways of the Chemical Engineering building. He is with a girl. Hindi pamilyar ang babae sa akin. When he saw me, he stopped in walking as well as the girl. Inignora ko lang sila.

"Kaye," Kai called though. Natigil ako sa paglalakad. Pinilit kong ngumiti bago lumingon sa kanya. Pagkalingon ko, wala na ang babaeng kasama niya.


"Hi!" I greeted back.


"May klase ka na?" tanong niya.


"Yup."


"Alright."


Uhh... this is so awkward.


I point my index finger to the direction of our building.


"Sige—"


"May gagawin ka ba pagkatapos ng klase niyo mamayang hapon?" tanong niya na ikinagulat ko. Namula siya at saka iniwas ang kanyang tingin sa akin.


"Huh?"


He chuckled.


"May sasabihin sana ako sa iyo..." mahina niyang sabi. His face is so serious that I forgot to breathe.

The Song's Memory (Engineering Student #2)Where stories live. Discover now