Chapter Twenty Seven

1.9K 101 2
                                    

Chapter 27


Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral at pagre-review—next week na kasi ang aming final exam. I am an irregular student—nanganganib na hindi makagraduate sa tamang oras. Uhh, delayed na pala ako. Si Daniel na kabatch ko ay 4th year na ngayong sem. Samantalang ako naghahabol pa rin.


But being irregular is not something to be ashamed of. Every student—delayed or not, is putting efforts in studying—that is something we can say we are really proud of.


"Nakabili ka na ba ng regalo mo para kay Kai?" natigilan ako sa pagnguya dahil sa tanong ni Mommy. Nagtaas siya kilay.


"Don't tell me hindi pa?" Actually hindi pa nga. Bukod sa busy ako pagaaral, hindi ko rin kasi sigurado kung makakapunta ako.


"Bukas bumili ka. Nakakahiya!" she hissed. Natigil siya sa pagkain para lang pagalitan ako rito. Hay.


Sa huli, tumango na lang ako. Mas lalo pa siyang magalit kapag sinabi kong hindi ako pupunta.


Today is our last final examination day. Starting tomorrow is already the Christmas break, pero bago iyon, pupunta muna kami sa bahay nila Kai para sa birthday and thanksgiving party niya.


"Grabe ang hirap ng exam sa Statics," dinig kong bulungan sa likod. Required bang maging seryoso at sobrang kabado kapag final exam na? Ah, whatever it is, finally, natapos na ang final exam. Eksaktong half day lang kami ngayon.


Natext ko na rin kanina pa si Manong Kanor. Ilang minuto lang naman akong naghintay at nakita ko na si Manong. Saktong nakapasok na ako sa sasakyan namin nang maalala ko na bibili pala ako ng regalo!


"Manong punta muna tayo ng SM, may bibilhin lang po."


Tanghali na kaya napagdesisyunan ko na kumain na at sinama ko na rin si Manong, nakakahiya sa kanya dahil naabala ko pa siya. After that, I went immediately to the department store to buy a gift for Kai.


What should I buy for him? T-shirt?


"Huwag na T-shirt Zarah, panigurado marami na damit ang batang iyon."


I rolled my eyes when I heard the voice of Mommy in my head. Kagabi, bago ako matulog, kinukulit na naman niya ako sa regalo.


Shoes? Eh hindi ko naman alam size ng paa nun! I went to the men's section. Cap? Jeans? The hell, nakakahiya na kay Manong, ilang minuto na ako rito!


Relo? Naalala ko, relo na rin pala binili ni Mommy na regalo.


In the end, nabili ko ang isang keychain na metal na may letrang K. My face heated staring at my gift. What the hell, nakakahiya naman 'tong regalo ko... pero bahala na!


Nang makauwi ako, hindi ako nakaiwas sa kakulitan ni Mommy tungkol sa regalo ko. Why is such so big deal to her if have a gift or none?!

The Song's Memory (Engineering Student #2)Where stories live. Discover now