Chapter Five

2K 105 2
                                    

Chapter 5


Kai stayed with me the whole afternoon. I thought he will leave me when I sleep but when I woke up he's still here in the clinic. My feeling's bit okay now compared earlier. Nakapagpahinga at nakakain na rin ako.


Kai stood up the moment he saw me wake up. Lumapit siya sa nurse at lumapit kalaunan sa akin ang nurse at tiningnan ang lagay ko.


"You're now okay. Nalipasan ka lang ng gutom kanina kaya ka nahimatay. Kumain ka hija bago ka pumasok. Kumain ka ba kanina bago ka pumasok?" tanong nito.


Umiling ako at yumuko.


"Kumain ka."


I nodded. They both went to the desk after that. I quickly put my shoes on and fixed myself. Kinuha ko ang bag sa gilid ng kama at inilagay na sa likod. Nakita ko na parang may pinirmahan doon si Kai. Ilang saglit pa lumapit ito sa akin.


"Uhm..."


"Umuwi ka na. Excused ka na buong maghapon," sabi niya.


I looked at the clock and it's already past 4. Ilang oras ako nakatulog? Hinintay niya ako ng ganito katagal? Hindi siya umalis? Hindi ba may klase siya? I don't know but I feel... happy.


"Ikaw? Papasok ka pa?"


He didn't answer my question, instead, he pick up my things and put it on his shoulders. Bahagyang nagulat ako sa ginawa niya. My heart is beating so loudly however, it really feels light.


"Let's go," aniya at saka naglakad palabas.


"Where are we going?" I asked him when we stepped outside.


"Uwi ka na."


"How about you?"


"Uwi na rin."


My eyes widened. "Weh? Wala kang klase?"


"Meron."


"Bakit ka na uuwi?"


"Late na ako bakit pa ako papasok?"


Suminghap ako, "Ayos lang 'yan! Iyong ibang kaklase ko nga 30 minutes late pumapasok pa rin." Then I looked at my wrist watch.


"4:15 pa lang oh. P'wede pa 'yan."


"You're so full of energy. Parang hindi ka nahimatay kanina," singhal nito sa akin.


"But I am now okay."


Okay naman na ako. Nakakain na ako at nakapagpahinga kaya may energy ulit ako, 'di ba?

The Song's Memory (Engineering Student #2)Where stories live. Discover now