Chapter Seventeen

1.8K 87 6
                                    

Chapter 17


"So, kailan ka aalis kung confirmed na nga?" I took a glance at him while he's driving. Napagdesisyunan namin na mag-date ngayon since nasa bahay naman na siya at tapos na ang exam at bored na rin ako dahil weekend.


I am still sad though I want to be a little bit understanding since this is what he wants and this is his dream.


Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko.


"Is it sooner?" I probed.


"Probably next sem," he said. Now, he's the one who took a glance of me.


"Oh, I see." So, malapit na pala huh. Thinking that... makes my heart shatter. But instead of being sad, I will make those remaining days before he will leave memorable.


"Edi kailangan mo na i-process ang mga kakailanganin mo?" I asked again.


"Yup."


"Magiging busy ka na kung ganoon?" I sadly asked.


"Nope. I will still make time for you. Besides, I'm already done with the other requirements. Ito na lang talaga ang hinihintay ko." Ibig sabihin matagal na niya itong nilalakad talaga. Halos ayos na pala lahat eh. Pag-alis na lang ang hinihintay niya. "Akala ko nga this second year na ako makakapunta roon, pero may delay kaya nagtuloy ako na lang ako dito."


I took a deep breath. Iba pa rin talaga ang impact kapag pinag-uusapan namin ito. Hindi ko maiwasang... malungkot.


"Please huwag mo na isipin pa ito, Zarah. Malayo pa. Let's just please both enjoy our time together."


I like that. Yes, we will.


Sasamantalahin ko ang pagkakataong magkasama pa kami. I will enjoy my time with him. I will make those days memorable para kung sakaling ma-miss ko siya, iisipin ko lang ang mga ito, ayos na ako.


Wait... why am I thinking that now? Malayo pa. I will just enjoy this moment first. Besides, how can I enjoy my time with him if I kept on thinking that? I will take comfort knowing that he's happy and he's living with his dreams.



"Love, highest ako sa Integral Calculus," pagmamayabang ko sa kanya. Well, that, that is something I am really proud of. Aside from that, I have a handsome boyfriend. I chuckled with my own thought.



"Zarah, I'm sorry. Hindi ko alam na hindi mo pa alam... akala ko kasi..." may pag-aalangan sa boses ni King habang kinakausap niya ako. Kanina pa siya nagso-sorry sa akin.


"Ayos lang naman sa akin," sabi ko sa kanya. "At least ngayon alam ko na."


Kanina, habang papasok ako sa second subject ay nakasalubong ko siya at kinausap ako. Good thing, our instructor didn't come at ganoon din sila kaya may nakakapag-usap kami ngayon. Nasa ikalawang palapag kami ng building at parehong tinatanaw ang nasa baba.

The Song's Memory (Engineering Student #2)Where stories live. Discover now