Prologue

389 18 5
                                    

"An eye for an eye will only make the whole world blind."

"Nangupit ka na naman kina Sister, ate Vicky?" tanong ng batang may lollipop pa rin sa bibig. Naglalakad sila palayo ng ampunan na kasalukuyan nilang tahanan.

"Oo, Meng! Kung gusto mo ibalik ang pera, iluwa mo lahat ng candy na kinain mo kanina!" sigaw ng pinakamatangkad na bata sa kanilang tatlo. Tiningnan lang ni Meng si Vicky.

"Sabi ko na nga ba, tumakas na naman kayong tatlo!" sigaw ng ale mula sa kanilang likuran. Madilim na ngunit nakilala ni Vicky ang pananamit nito. Nagkatinginan ang tatlong batang babae.

"Sister, gusto po kasi makita ni Ate Vicky ang perya." paalam ng bata sa tabi ni Meng, si Beth. Nakilala agad ito ni Sister Regina dahil si Beth ang isa sa pinakamadaldal na bata sa ampunan. Si Meng naman, isa sa pinakabata at pinakamaliit ay may lollipop sa bibig. Kahit pa ito'y eleven years old na, tila maliit para sa kanyang edad ang kanyang pangagatawan. Napabuntong-hininga ang madre.

"Alam n'yo namang gabi na. Delikado lumabas 'pag gabi."

"Eh Sister, 'pag gabi lang naman bukas ang mga perya." sagot ng pinakamatangkad sa tatlo, si Vicky. 'Di makakailang dalaga na ito. At alam ng madre na ito ang pasimuno ng pagtakas. Gusto niya sanang pagalitan ito pero para sa isang teenager, alam niyang ang paghihigpit ay lalo lang tutulak sa kanya palayo. Isa pa, may pinagdaanan na ang batang ito. Ayaw na niyang pabigatin ang loob nito.

"Oh sige, isang oras lang. Pagkatapos noon, uuwi na tayo ha?" wika ng madre.

Nagliwanag ang mga mata ng tatlong bata.

"Talaga sister? Hindi kayo magagalit?" tanong ni Vicky.

"Isang oras lang ha. Tsaka konti lang ang dala kong pera."

"Okay lang 'yun sister, gusto lang namin makita ang perya."

Buti nalang, malapit at walking distance lang ang perya sa ampunan. Naisip ng madre na dalhin ang ibang bata sa perya kapag may pagkakataon. Magiging unfair sa ibang bata kung itong tatlo lang ang papayagan niya. Isa pa, gusto niyang makuha ang loob ng isa sa mga dalaga.

Masaya ang tatlong batang naglalakad pauwi. Akay-akay ng madre si Meng sa kanyang kamay at nakahawak naman si Beth sa kaliwa. Naglalakad mag-isa si Vicky, ang pinakamatanda at 'di makailang pinaka-magandang bata sa ampunan. Gusto sana ni Sister Regina na makuha ang loob niya matapos ang lahat nang pinagdaanan nito kaya pinayagan niya ito sa perya. Nag-iisip ang madre ng paraan para kausapin ang dalaga nang nakarinig sila ng pagsabog. Nagkatinginan silang apat at nag-umpisang umiyak si Meng. Takot ito sa malalakas na tunog kaya hindi nakapagtatakang maiiyak ito. Nag-umpisa si Beth na aluhin si Meng pero hindi niya alam kung ano pang pwedeng sabihin.

Galing sa direksyon ng ampunan ang pagsabog kaya dali-daling tumakbo si Sister Regina pabalik.

Nang makarating silang apat sa harap ng ampunan, nilalamon na ito ng malalaking apoy. Napasigaw si Sister Regina at humingi ng tulong. Sigaw-sigaw nito ang pangalan ng mga bata sa loob. Patuloy na umiiyak si Meng. Si Beth naman nakatulala lang sa nasusunog na ampunan. 

Paraiso ang tawag nila sa ampunan, doon walang nagagalit sa kanila, walang basta-basta nanakit, walang humihipo at humihimas, doon ay ligtas sila.

Napatigil silang tatlo, nanatiling nakatayo, pinapanood ang pagkasunog ng tahanang kanilang itinuturing na paraiso.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now