4: The Reckless Mission

107 9 26
                                    

Kahit si Lizzie, hindi makapaniwala kung paano naisip ni Aria na bayaran ang isa sa delivery boy ng lugar na ito. Nakapasok sila sa loob ng lupain nang walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pagtago sa loob ng isang delivery truck. Nang wala nang nakatingin ay bumaba sila at nagsimulang maglakad. Kung tama ang kanilang mapa, sa loob ng tatlumpong minutong paglalakad ay mapupuntahan na nila ang main mansion kung saan nandoon ang target nila.

Mahigpit ang security sa buong lupain pero hindi sa looban nito. Kasama ni Lizzie si Aria pero hindi pa rin siya totoong mapanatag sa ginagawa nila. Kasalukuyan silang naglalakad sa mga pilapil ng palayan. Alas-kwatro na ng madaling araw, tulog pa rin ang karamihan ng tauhan ng mga Navarro. Nang marating ang dulo ng palayan, tigang na lupa na ang kanilang tinatapakan. Sa kaunting distansiya ay tanaw mo na ang mansyon.

"Ayan naman ang main mansion 'no?" tanong ni Lizzie. Masakit na ang kanyang mga paa sa paglalakad. Pero hindi niya maatim na magreklamo. Sabi ni Aria, lalakarin nila ang mansyon. Hindi sila pwedeng gumamit ng kahit anong transportasyon dahil gagawa ito ng ingay. Makes sense.

"Base sa mapa, oo." sagot ni Aria. Nagpatuloy sila sa paglapit sa mansyon. Lizzie expected an old ancestral house. Instead, it was a modern bahay-kubo mansion.

"What are your unique skills?" naalala ni Lizzie ang tanong na iyon noong isa sa kanyang mga job interviews. Lockpicking. Bulong niya sa sarili. Nang mabuksan ni Lizzie ang back door ng Navarro mansion gamit ang isang malaking hairpin, at piraso ng bakal, pumasok sila ni Aria at dahan-dahang naglakad paloob at paakyat sa mga kwarto. Ang kwarto daw ng pinakamatandang Navarro ay nasa taas, sabi ng isang informant nila. Hindi maisip ni Lizzie kung gaano karaming pera ang ginasta ni Aria para sa misyong ito. Basta may impormasyon, binabayaran niya sila. Gusto na ni Lizzie matapos ang misyong ito. Kailangan nila itong magawa bago sumikat ang araw.

Natuwa si Lizzie nang malamang bukas-bukas ang pintuan ng oldest living Navarro. Masaya din siya na hindi sila nagkamali ng kwartong binuksan because that'll be a disaster. Kung anumang paraan ng pagpatay ang nasa isip ni Aria, bahala na siya doon. Gusto na talaga niyang makaalis dito.

Dahan-dahan na naglakad ang dalawa sa loob ng kwarto. Maswerte sila't tulog pa ang kanilang biktima. Bukas naman ang isang lampshade sa gilid nito kaya hindi sila nahirapan gumalaw sa loob ng kwarto. Nilapitan ni Aria ang biktima, mukhang nakatalukbong pa ng kumot ito.

Ramdam ni Aria ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kaba? Excitement? Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman. Basta, tatapusin na niya ito. Isang saksak sa dibdib, sa kanang tagiliran kung nasaan ang atay at sa tigkabilang gilid ng leeg. Kailangan niya ito magawa nang tahimik. Kung matanda na ito, hindi na siya mamomroblemang manlaban ito. Wala siyang pakialam kung ito ay babae o lalaki, basta matatapos nila ang misyon ngayong gabi rin.

Nang alisin ni Aria ang kumot na nakatalukbong sa matanda, narinig niyang sumigaw si Lizzie. Tiningnan niya ng masama ito bago siya lumingon sa mukha ng oldest living Navarro. Halos mabitawan niya ang kanyang swiss knife nang makilala kung sino ito. Aria tried to process what she saw. Nanginginig naman si Lizzie sa isang tabi. Nahimasmasan si Aria nang bumukas ang ilaw ng kwarto.

"Drop your weapons or I'll shoot!' wika ng boses ng isang lalaki.

Busted.

Binitawan niya ang swiss knife at itinaas ang kanyang mga kamay. Tumingin si Aria sa paligid na na-realize niya kung bakit sumigaw si Lizzie. Isang cobra? Gumagapang ito papunta sa kanya at nakatayo lang si Lizzie sa isang gilid ng kwarto, halatang natatakot.

"Interesting. What are you doing here, ladies?" wika ng isa pang boses. Nilingon ni Aria ang mga ito.

Of course, the Navarro brothers. Tig-isang may hawak na baril.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora