3: Tonight

115 16 8
                                    

"Ang sabi ng mga witness, baka ang mga Navarro raw ang nagpasabog ng ampunan. Lahat ng krimen sa bayan natin, sila halos ang may kasalanan." pag-uumpisa ni Lizzie. Matapos ang isang nakakapagod sa trabaho, naisipan ulit nitong puntahan si Aria. Malapit lang naman ang opisina ni Lizzie kay Aria. Nag-uuwian na ang ibang mga tauhan ni Aria at mukhang nag-aayos na rin ito ng gamit.

"Pero hindi naniniwala si Charmaine. Pakiramdam niya santo ang mga Navarrong nag-ampon sa kanya." disappointed na sagot ni Aria.

"She'll come around. Pero kahit saang anggulo mo tingnan, sa mga Navarro talaga bumabalik ang ebidensiya eh." sagot ni Lizzie. Itinaas si Lizzie ang isang folder sa harap ni Aria.

"Saan mo nakuha 'yan?" gulat na tanong ni Aria.

"Hindi ko alam kung saan galing, nasa desk ko nalang bigla. Pero mukhang totoo ang mga iyan, they look like legit police files."

Dali-daling kinuha ni Aria ang folder. Laman-laman nito ang mga sinabi ng mga witness, autopsy report, interview notes sa kanilang tatlo at iilang newspaper clippings.

"So may nag-imbestiga pala ng kaso natin? Kaso bakit hindi na natuloy?"

"Makapangyarihan ang mga Navarro sa bayan ng Ganza, Aria. Baka may mga binayaran sila para mawala na ito."

"Aria, do you want to outsource o okay ka na sa mga ebidensiyang nakalap natin?" pagtatanong ni Lizzie.

"Itutuloy ba natin ito?" tanong ni Aria. Kahit siya, hindi niya alam kung ang tanong ay para kay Lizzie o para sa sarili niya.

"Ang ano? Ang pag-iimbestiga o ang paghihiganti?"

Napabuntong-hininga si Aria. Labing-limang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito. Sawa na siyang maghintay. Dalawampung bata at apat na matanda ang namatay sa pagsabog at sunog ng ampunang kanilang itinuring na tahanan.

"Hahanapin natin ang hustisya natin. Gagantihan natin ang mga Navarro."

Itinaas ni Aria ang isa sa mga interview notes.

"Ang pinakamatandang Navarro ang mastermind ng pagsabog ayon dito. Tama ka Lizzie, ang mga Navarro nga ang may kasalanan. Matagal ko nang suspetya na sila talaga eh."

"Itutuloy natin? Paano si Charmaine?"

"Hindi natin gagalawin si Charmaine. Ang gagalawin natin, ang kasalukuyang pinaka matandang Navarro."

"Aria, kinakabahan ako dito." nag-aalalang wika ni Lizzie.

"Don't worry, kaya natin ito. It's a shame, Charmaine was adopted to a Navarro family."

"Well, I trust your judgment. Alam mo nga ang sabi-sabi, you can't trust a Navarro."

+++

Kung naninirahan ka sa bayan ng Ganza sa probinsiya ng Quezon, malamang ay narinig mo na ang mga katagang ito: "huwag kang magtitiwala sa mga Navarro."

Bilang isa sa mga prominenteng pamilya, ang mga Navarro ang isa sa may pinaka panget na imahe. Napag-alaman ang pangungurakot, vote buying, ilegal na negosyo at iba pa nang matalo ang huling Navarro na naging alkalde ng bayan. Pinalitan ito ni Alfredo Fajardo, ang isa sa mga kinilalang tito ni Aria.

Matapos mapabagsak ng mga Fajardo ang mga Navarro, tila himalang nakatakas ang dating mayor at ngayon ay naninirahan ito sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, ang mga naiwang ari-arian ng mga Navarro ay hawak ng pamilyang umampon kay Charmaine.

Bakit ba kailangang sila pa ang makaampon sa kanya? Pero buo na ang loob ni Aria. Lalagasan niya ang pamilya Navarro. Ipaghihiganti niya ang mga bata, pari at madreng namatay nang mga panahong iyon. Bahala na sa mga sasabihin ni Charmaine. Bahala na sa kung anong isipin ni Charmaine.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon