36: The Wolf

29 4 2
                                    

She is a journalist, and part of her job is to go on the most dangerous and unfamilliar places for a story.

Mia Salonga followed a tip from a stranger in Ganza. Nakita daw nilang dumadaan ang matandang doktor sa isang abandonadong mall sa parte na ito ng Ganza, the supposed to be Alcazar city. She could ask help from Lizzie since they've been in contact ever since but she has to do this on her own. Isa pa, she needed the dirt on the Pablos. It's more personal than a professional work.

Elizabeth Montero's reaction to her prodding confirmed the truth. The Pablo's are up to something. Mia took a deep breath. Mula sa kinatataguan ay napansin niya si Charmaine Navarro na naglalakad.

So, Charmaine really works for Doc Pablo. Bulong ni Mia sa sarili.

+++

May mali sa mga bagong kaso ng pneumonia. And Charmaine can't really pin point it. She is hoping Doc Pablo will be able to help her with this.

Kaya ba pinulaanan ni Charmaine ang imbitasyon ng kanyang boss sa kanyang sariling laboratoryo. Ngayong katatapos lang nila sa isa pang proyekto, maaring mahingi niya ang tulong ng doktor hingil sa rising pneumonia cases, and the mortality rate is slowly rising.

Pinapapunta siya sa abandonadong mall. Hindi niya alam kung bakit pero pinapapasok siya nito. Sinundan lang ni Charmaine ang maliwanag na parte ng mall. Pagpasok sa isang glass door ay nakakita siya ng isang laboratory.

Sa loob ng laboratoryong iyon, nakita ni Charmaine ang mga petri dish na kulay pula at may maliliit na puting tuldok dito. Culture ito ng mga bacteria. Matapos silipin ang laman ng microscope, nakilala ni Charmaine ang hugis at kulay ng isang bacteria. Sa mga lamesa ay mga journal articles din, kasama ang mga nalikom niya para kay Doc Pablo. Kumpleto ang laboratoryo sa gamit. Usually, Charmaine gets excited of such rooms but she's feeling uneasy right now.

Pagbukas ni Charmaine ng pintuan palabas ng laboratory ay bumungad sa kanya ang higit sa sampung mga kama. Nakahiga dito ay mga bata. Sa hindi kalayuan ay nakilala niya si Eman, ang nawawalang anak ng isa sa kanilang tauhan.

"Eman!" tawag nito. Natural nang balingkinitan ang katawan nito pero tila mas pinayat pa ito. Minulat ng bata ang kanyang mata. Sa paligid ay mga kabataang halos kasing-edad ni Eman.

"Ate Charms?" mahinang tawag nito.

"Ate," nanghihinang tawag nito. Napatitig lang si Charmaine dito. Napalingon si Charmaine sa ibang kama. Sa isang sulok ay nakita niya ang nawawalang kapatid ni Lizzie. 

It's him, it's him all along!

"Anong nangyari? Anong ginagawa nila sa'yo?" tanong ni Charmaine kay Eman. Charmaine tried speak clearly but she's already struggling to breathe.

"Guinea pig daw niya kami... isang matandang doktor, ate." tila hirap ang bata kahit sa pagsasalita.

"Ahhh, Charmaine, nakita mo na pala ang personal project ko." wika ng lalaking pumasok sa kwarto.

"Tutal mamatay na rin naman ang mga ito," wika ng matandang doktor. Hindi makagalaw si Charmaine nang makita ang mukha ng lalaking pumasok sa kwarto. May hawak-hawak itong syringe. Charmaine was wondering what's inside the syringe. Only when the doctor inserted it through Eman's IV line she realized what it is.

"Doc! Are you trying to kill him?"

Ngumisi ang doctor sa kanya. "As a researcher, isn't it your duty to make sure your test subjects don't feel pain as much as possible?"

Kinilabutan si Charmaine sa mga narinig. Medical ethics, applied in a very wrong way.

"Doc... Doc Pablo?" nanginginig na tawag ni Charmaine.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now