11: A Normal Life

63 10 0
                                    

Hindi na naman makakapunta si Charmaine sa meeting ng Trinity. It's because of this manuscript she's still working on. Alam niyang hindi siya isang typical na doktor pero hindi niya rin pwedeng pabayaan ang trabaho niya. Make or break decisions regarding people's health lie on their research results.

"Ma'am, hindi ba dapat magdemand ka man lang ng credit galing kay Doc? Kasi halos ikaw lang kaya ang gumawa ng manuscript nung isang published journal niya, katulad niyan." paalala nung research assistant na may inaayos na mga papel sa kabilang desk. Hindi siya narinig ni Charmaine. You don't talk to someone who's in the middle of constructing a difficult sentence like that.

"Doc Charmaine?" tawag ulit nung research assistant.

"Yes, what?"

"Wala Doc, sabi ko 'wag ka masyado pakasubsob sa trabaho." wika nito. Napabuntong-hininga si Charmaine. Usap-usapan sa opisinang ito na mukhang "ginagamit" lang ni Doc Pablo si Charmaine. Pero hindi ito ang kaso para sa kanya.

May katandaan na ang doktor, at sa edad nito, halos higit sitenta na ang na-publish na research at mga academic journal. Kahit tinuturuan ng EBM or evidence-based medicine, hindi lahat ng doktor nagtatrabaho sa research, at ito ang trabahong pinili ni Charmaine. Kahit anong sabihin ng ibang kasamahan, ni minsan hindi naisip ni Charmaine na ginagamit siya ni Doc Pablo. Matanda na siya kaya kailangan niya ng tulong, palaging bulong ni Charmaine sa sarili. Isa pa, I'll have my time once I became older.

Dala na rin ng katandaan kaya si Charmaine ang nagpaparoo't parito sa iba't ibang lugar. May mga proyekto silang funded ng gobyerno at mayroon din namang privately funded. Nang magsabi ang doktor na ililipat niya ang kanyang trabaho sa kanilang tahanan sa Ganza, laking tuwa ni Charmaine dahil nagagawa niyang makauwi sa kanila. Dahil tubong Ganza, hindi rin maiwasan na tapikin ng Regional Health Office si Doc Pablo para sa mga usaping pangkalusugan ng bayan.

"Ako lang po ba o parang tumaas po ang pneumonia?" tanong ni Charmaine nang mapansin ang report ng mga local health unit mula sa nakaraang buwan.

Tinitigan ito ng matandang doktor na nasa loob na pala ng kwarto. Hindi na makakaila ang mga puting buhok at ang mga kulubot sa kanyang balat. Pero kahit may edad na, malakas at matalas pa rin ang isip nito. Bagay na kinahahangaan ni Charmaine. Sa mga nakaraang taon, si Dr. Pablo ang naging tatay para sa kanya. Tadhana siguro ang nagdala sa kanya kay Dr. Valerio Pablo dahil kakilala nito ang kanyang adoptive father, si Dr. Florencio Navarro, na dahilan kaya naisipan ni Charmaine maging doktor.

"Tumataas nga, mataas kumpara sa mga kaso ng nakaraang taon." sang-ayon ng matanda. Maaring naapektuhan na ang katandaan ang kanyang katawan, pero hindi ang kanyang utak.

Pneumonia? Naaalala ni Charmaine ang abuela sa kanilang bahay. Katatapos lang nito ng isang regimen para sa Pulmonary Tuberculosis pero tila hindi naman bumuti ang pakiramdam nito. Kahit si Charmaine, sang-ayon sa espesyalistang tumingin kay Mama Regie pero tila palaisipan pa rin bakit hindi gumagaling ang ubo nito.

Baka Pneumonia?

Pero bakit? Alam niyang panahon na ulit ng pulmonya dahil sa malamig na klima pero it's higher than usual. Isa pa, kung gusto niyang imbestigahan ito, malayo sa totoong data ang makakalap niya dahil ugali ng mga Pilipinong dalhin ang pasyente kapag malala na ito at kapag hindi na ito makahinga. Hindi niya sila masisisi. Hindi lahat ng tao kayang magbayad para sa pagpapakonsulta. Kung libre man ang check-up, nandiyan pa rin ang gastusin sa gamot.

Healthcare should be for everyone.

Napabuntong-hininga si Charmaine. Ito ang sistemang gusto niyang baguhin. Pero paano?

"Dr. Navarro, anong plano mo 'pag natapos tayo sa proyektong ito?" tanong ng matandang doktor kay Charmaine. Maaaring magkatrabaho lang ngunit tila anak na rin ang turing ng matanda kay Charmaine.

"Hindi ko alam, Doc. Baka mag-apply ako sa isang ospital, baka sa alma mater ko. Sana matanggap." sagot ni Charmaine.

"Kung mag-aapply ka, gagawan kita ng maayos na recommendation letter." sagot ni Doc Pablo. Napangiti si Charmaine. Totoo nga kayang magreretiro na ang doktor? Pero maraming trabaho pa ang pwedeng gawin. Pero higit sitenta anyos na ito. Bakit pa ba niya ito pipilitin magtrabaho? Nandiyan naman ang mga batang tulad niya, ang bagong henerasyon ng mga doktor. Siya ang dapat magpatuloy ng nasimulan ng matandang doktor, hindi ba?

Her brothers are against this job, especially the logistics part of the job. Isang doktor at nurse na ang napatay sa isang probinsiyang pinuntahan niya. Suspetya ni Charmaine na siya ang dapat namatay doon pero hindi na naimbistigahan ang kaso. Hindi makakaila ni Charmaine na may mga delikadong lugar na rin siyang napuntahan. But still, for research. Isa pa, may mga batang doktor na tulad niya ang nasa mas delikadong sitwasyon, katulad ng mga nasa malalayo na maaring dakpin ng mga terorista.

Charmaine missed that part of the job, going places. Pero ayaw na rin niyang pag-alalahanin ang mga kuya niya kaya pumayag na siya sa trabahong ito kasama si Doc Pablo.

+++

"Frustrated na naman ba sila at wala silang nakitang butas sa accounts natin?" pagtatanong ni Ali nang umalis ang dalawang tauhan ng NBI mula sa opisina ng kanyang kuya.

"At parang gulat na gulat silang malaman na we're paying all of our taxes in time?" dagdag ni Ali. Ngiti ang sagot ni Gio.

"Hayaan mo silang mapagod. Malinis lahat ng transaction natin." sagot ni Gio smirking.

"Of course. Bro, you have the best accountant working for you."

Napapailing si Gio.

"Ang yabang mo 'no?"

Tumawa lang si Ali.

"Nang nagpasabog ang Diyos ng kayabangan, sinalo mo lahat." kumento ng panganay.

"Pati appeal, sinalo ko. Walang natira sa'yo kaya hanggang ngayon single ka pa rin." pang-aasar ni Ali.

Hindi mapigilang umirap ni Gio.

"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang confidence mo." sagot ni Gio sa kapatid.

"Dito," sabay turo sa crotch niya. Gustong batukan ni Gio si Ali, pero hindi na sila bata. Tsaka natural na pilyo at sutil si Ali. Siya rin ang palaging may nakakaaway na kapatid. Palabas na sana si Ali ng kanyang opisina nang tinawag siya nito

"Oo nga pala, kuya,"

Napatingin si Gio. Ali rarely calls him kuya. When he does, it's usually an urgent matter.

"May gustong makipagkitang kaibigan sa iyo. All expenses paid."

"Ha?"

"Bukas ang flight. Three days, two nights, in Palawan. Mga kaibigan mo noong college."

"Bakit 'di nila ako sinabihan?"

"Masyado ka kasing busy, lagi ka nalang nasa Makati kaya ako na ang nakipag-usap." nakangising sagot ni Ali.

At bukas agad?

"Ali, I can't go to unplanned trips."

"Kuya, our businesses will live dahil three days ka lang mawawala, hindi isang taon."

sagot ng kapatid.

"I could take care of things while you're gone." dagdag ni Ali sabay naglakad palabas ng opisina niya. Nakatakas na ito bago pa niya masigawan or masermonan.

Buntong-hininga, iyon nalang ang nagawa ni Gio.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now