1: Gatekeeper

245 19 14
                                    

Giovanni Navarro

Alistair Navarro

Machiavelli Navarro

Rafael Navarro

Charmaine Navarro

Binigkas ni Victoria isa-isa ang pangalan ng magkakapatid. 'Di niya mapigilang mapatigil sa huling pangalan, ang babaeng bunso ng mga Navarro.

"Ano ka, si Arya? Bakit paulit-ulit ka pa rin sa pagbigkas ng mga pangalan nila?" ani ng isa pang babae sa opisina niya. Umiinom ito ng wine sa isang plastic na wine glass.

"Sino si Arya? Bakit pareho kami ng nickname?" tanong ni Victoria dito.

"Tsaka akala ko ba para sa akin ang wine na yan?" dagdag pa ni Victoria.

Nagkibit-balikat ang babaeng nakasuot ng isang cream-colored dress at itim na blazer. Galing din siyang trabaho at naisipan lang niyang daanan ang kanyang sister sa opisina nito.

"Game of Thrones. Masyado ka bang busy at kahit mag-binge watch ng mga palabas 'di mo magawa?"

Umirap si Victoria, also known as Aria to her family and friends. Wala siyang panahon sa kung anu-anong pinapanuod ng mga tao, dahil totoong busy siya. Isa pa, mas gugustuhin niyang matulog kapag free time niya.

"Kung ang mga kliyente mo, artista at mga prominenteng tao, oo." sagot niya. Matagal nang itinatag ang F&F Architecture and Design. Bilang nag-iisang anak at tapos ng Interior Design, natural lang na manahin at i-manage si Aria ang firm.

"Artista at mga prominenteng tao, 'yan lang ang common sa mga kliyente natin." bigkas ng kasama niya.

"Pero mas malaki pa rin sahod mo kaysa sa akin." itinuro siya ni Aria. Tumawa si Lizzie dahil minsan ito ay totoo. Nagtatrabaho naman siya sa isang kompanyang ang focus ay public relations. Pero nitong mga nakaraang buwan, delay ang sahod niya. Gusto niya sanang ikuwento ito kay Aria pero nanahimik nalang siya. Masyadong matulungin si Aria, ayaw niyang abusuhin ito.

"Hangga't may makalat na pamilya, may trabaho." itinaas ni Lizzie ang kanyang plastic wine glass.

"Hangga't may bahay, may trabaho." itinaas din ni Aria ang baso ng wine na malapit sa kanya.

"Cheers to us, orphans."

They clinked their plastic wine glasses.

"May balita ka ba kay Charmaine?" tanong ni Aria. Nagkibit balikat si Lizzie.

"Are you all looking for me?" Napatingin ang dalawang babae sa itim na pigura sa pintuan. Halos wala nang tao kaya kakaunti nalang ang bukas na ilaw sa paligid ng floor na ito. Naglakad ang babae palapit.

"Charms!!!" bati ni Lizzie.

"What a surprise!" masayang wika ni Aria.

"I was in town. Nagbaka-sakali lang akong nandito ka pa, and seeing Lizzie was here too. Nice."

Napanganga lang ang dalawa matapos makita ang kanilang baby sister. Sisters, that's what they called themselves kahit noong nasa ampunan pa silang tatlo.

"Bakit habang tumatagal, lalo kang gumaganda?" tanong ni Charms kay Aria at bumeso dito.

"Kaya nga. Lagi kong sinasabi sa kanya, kung ganyan ang katawan ko ;di na ako magdadamit." biro ni Lizzie. Napatingin si Charmaine sa suot-suot na blue dress ni Aria. It hugs her curves perfectly revealing the sexy body underneath. Tumawa si Charmaine sa biro ng kaibigan at nakipagbeso din dito.

"Saang lupalop ka na naman ba ng Pilipinas napadpad?" tanong ni Aria.

"Luzon, Visayas, Mindanao. Kailangan ko alamin ang bilang ng nagkasakit ng TB mula umpisa hanggang sa pinaka dulong isla sa Pilipinas para sa taong ito."

"Bakit ba kasi ganyang trabaho ang pinili mo? Pwede ka namang maging ordinaryong doktor nalang sa isang ordinaryong clinic," kumento ni Aria.

"Ganun na yung kuya ko. No thank you,"

Nagkatinginan si Lizzie at Aria.

"Tsaka importante ang research sa healthcare." dagdag ni Charmaine.

"Nag-aalala lang kami sayo. Siyempre, better kung palagi ka naming nakikita." ani Aria.

"Ayun nga. I actually have to go. I have to report to my boss tomorrow morning. It's nice seeing you two." paalam ni Charmaine. Pinanuod ni Lizzie at Aria maglakad palayo ang kanilang kaibigan. Natahimik silang dalawa hanggang nagsalita si Lizzie.

"Baka nakakalimutan mo, ang pamilya Navarro ang umampon sa little sister natin." paalala ni Lizzie.

"Ayun nga eh, 'yun nalang nagpipigil sa akin para tuluyan sila." sagot ni Aria. Inubos nalang nito ang kanyang wine.

+++

"Ma'am, nag-back out 'yung isang kliyente natin." bungad ng isa sa mga architect ni Aria. Maganda ang gising niya ngunit pagkatapak sa opisina ay masamang balita ang bumungad sa kanta.

"Bakit daw?" tanong niya.

"Namatayan daw sila, pinatay 'yung tatay nila sa loob ng sasakyan." sagot nito.

Napabuntong-hininga siya at naglakad patungo sa opisina. Mula nang inayos ni Victoria ang pagpapasahod at sistema ng firm, hindi naging mabilis ang balik ng pera. Mula nang nalugi ito tatlong taon na ang nakalipas, alam niyang hindi biro ang kahaharapin niya. Alam naman niyang hindi niya obligasyon saluhin ang firm, pero para sa kanya importante ito dahil importante ito sa kanyang ina, sa inang umampon sa kanya.

Victoria knew one thing based on her features: her dad is a foreigner and she will not meet him again. Ito ang katotohanang kinalakihan ni Aria. At pinangako niya sa sarili niya na kahit anong mangyari, hindi niya papasukin ang trabahong pinasok ng kanyang ina. Tanda pa niya ang mukha ng kanyang mga kamag-anak na nagbenta sa kanya sa isang bar. Sa edad na labing-apat na taon ay maganda na ang hubog ng katawan ng dalaga, kumbaga patok sa mga parokyano. 

Isang social worker ang nag-rescue sa kanya kaya napunta siya doon sa ampunan. Dahil laki sa basagulerong tito, dala-dala ni Aria ang pagiging pala-away at siga sa ampunan. Tsaka saan pa nga ba siya pupunta nang mga panahong iyon? At least doon, libre ang pagkain. May dalawang bata na palaging sumusunod sa kanya at kinakausap siya. 'Di nagtagal naging parang ate siya sa dalawang batang iyon.

Pinangako ni Victoria sa sarili niya na kapag may matinong pamilya ang nag-ampon sa kaniya, titigil na siya sa paggawa ng gulo. At nangyari nga iyon. Siya na ngayon si Victoria Fajardo, isang interior designer at manager ng F&F Architecture and Design. Isang maliit na kumpanya na sinimulan ng Mama niya.

Nagbuntong-hininga si Aria. Tama na ang pagmumuni-muni ani niya sa sarili.

Back to work.


-------

Author's Note: Please do vote and comment :) I would really like to hear your feedback. Thank you guys!

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now