Epilogue

98 6 7
                                    

"Why are there so many food carts? I thought we are saving money," wika ni Charmaine habang tinitingnan ang mga ito.

"And puro pink! I'm glad my kuyas are not complaining." pagpansin pa ni Charmaine. Kararating lang niya galing sa kanyang bagong trabaho at dumiretso siya sa ampunan.

"Who else? Lizzie. Sabi niya libre naman daw ang mga 'yan." wika ng ina na may karga-kargang bata.

"Kailangan ko pang pilitin si Gio para payagang si Lizzie ang mag-ayos ng party na 'to. You know Gio, he doesn't want grand parties and such." paliwanag ni Aria.

"But it's your daughter's first birthday!" ani Charmaine.

"I know... and his Titos spoil her so much. I'm scared this child will grow up spoiled." sagot ni Aria.

Tumawa si Charmaine.

"Oh, Kuya Gio's a good dad. He won't let that happen."

Nakita ng dalawa si Lizzie na may kausap sa phone. It's about the magician not being able to come of time. Mukhang stressed na stressed na ito.

"Perfect timing! Charms, I need your help with the tables sa loob." utos ni Lizzie kay Charmaine nang makita niya ito.

"And Charms, can you like beg Maki to stop bothering the kids? He keeps telling them he'll show his friends." dagdag nito. Natawa ulit si Charmaine.

"Kuya Maki never changes."

"Wait, nagdala si Maki ng pets niya dito?" gulat na tanong ni Aria.

"Oo hay nako. Aria, leave the rest to us. Kami na ni Charmaine bahala sa party na 'to. You're the celebrant's Mom!" naglakad si Lizzie papunta sa loob ng ampunan at sumunod si Charmaine. Hindi na nakaangal si Aria kahit kanina pa niya gustong tumulong. Kinuha naman ni Charmaine sa mga braso niya ang batang karga-karga niya.

"Weird ba 'yung desisyon nating i-celebrate ang birthday ni baby Lia dito?" tanong ni Gio sa asawa nang makita niya ito. Napakibit-balikat lang si Aria. Sa hardin ng ampunan ay naka-set up ang maliliit na upuan at lamesang pambata. Sa paligid naman nito ay mga lamesa at upuan para sa matatandang bisita. Maya-maya lang ay dadating na ang iilang Red Ladies, kaunting business partners at iilang kaibigang kanilang inimbita.

"Well, this is your legacy... and thanks to you, these kids will have bright futures like we did." sagot ni Aria. No, not weird at all.

Lumabas si Charmaine mula sa loob ng ampunan, karga-karga si Liana, na ngayon ay isang taong gulang nang anak ni Gio at Aria. Sunod-sunod na ring lumabas ang mga bata na nasa pangangalaga ng ampunan.

Nagsiupuan ang mga ito sa upuan at lamesa sa hardin. Pagkalabas ng mga bata ay nakasunod si Kristy, sa tig-isang kamay ay nakahawak ng mga maliit na batang babae.

Ngumiti ito sa mag-asawa nang mapansin sila. Gio knew he chose the right person for the job.

Dalawang taon na rin ang nagdaan. Pinagawa ng Scorpions (gamit ang pangalan ni Gio) ang Sister Regina Orphanage, ang bagong ampunan sa bayan ng Ganza. Nagpakasal ang dalawa isang taon pagkalipas nang pagkamatay ni Ali.

"I can't take all the credit, you know that." sagot ni Gio.

"Also, Aria... Rafael needs our help with something." dagdag ni Gio.

"Why?"

"He's proposing to Charms tonight."

Surprise was written all over Aria's face.

"Our bunso is finally going to find her happy ending."

Habang nakaakbay pa rin ay na napapangiti nalang si Gio.

"Sabi sa'yo eh, I won't let any tragedies happen again. Not under my watch, Mrs. Navarro."

"Stop calling me that,"

"Why? You really are Mrs. Navarro now." pang-aasar ni Gio. Aria felt Gio hug her from behind. His breath on her neck is not helping. Mukhang masusundan agad si Baby Lia.

Aria let out a smile for that is the reality. She won't admit it, not in front of Gio's face but being called Mrs. Navarro is now music to her ears.


END

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now