32: Take Sides

26 4 1
                                    

Gio hated calling his siblings on his office, however, he cannot deny the immediate threat that happened to Ali while he was running on an errand. And the errand was about Mama Regie's body to be cremated.

"They have identified the fire. Alam nilang si Zach ang gumawa noon." wika ni Gio sa mga kapatid na nakaharap sa kanya sa opisina. Mama Regie didn't want a funeral. Kabilin-bilinan niya iyon sa apo. Gusto rin ng matanda na matapon ang abo niya sa ilog na sakop ng lupain dahil ito raw ang pinakagustong lugar niya sa hacienda. Gio and his siblings will take care of all that later. For now, first things first.

"Now they're coming for us, because he works for us." realization ni Maki.

"Akala ko ba malinis gumawa ang arsonist mo?" tanong ni Charmaine.

"Tsaka hindi ko maintindihan Kuya, why did you order to burn the place down?" dagdag na tanong ni Charmaine.

"May mga importanteng tao sa loob ng bar, we have to burn the evidence." sagot ni Gio.

"Pero naging komplikado nang may mga tauhan na humabol sa atin." wika ni Ali.

"Is it always like this, Charmaine? After ng isang raid?" tanong ni Maki.

"It usually goes smoothly. The girls rescued are put on ate Aria's shelter then we're done." sagot ng bunso.

"This is the first time we had something like this. Tsaka Kuya, kung may mga baril ang customers ng bar, bakit parang handa sila? Parang alam nilang ire-raid sila."

"Kuya Gio, you have to resolve this or else..." wika ni Charmaine.

"We will be accused of crimes, that's not part of the plan." dugtong ng bunso.


"You also have to tell Aria." dagdag pa ni Ali. Ali survived a shoot out just this morning. Obviously, people are already coming for them.

"Lizzie knows people. Pwede nating palabasing nasunog ang bar by accident."

tumingala si Gio mula sa mga papel sa kanyang lamesa.

"Kung totoong may mga prominenteng tao sa bar, Kuya babalikan tayo ng pamilya ng mga iyon." paliwanag ni Charmaine. The brothers considered this. As usual, the only one absent was Rafael. Palagi itong wala sa bahay dahil sa kanyang residency training.

"Charmaine was right. Isa pa, ayaw nating masira ang reputasyon ng mga Navarro. Sayang naman ang pagpapakabait natin kung masisira lang tayo dahil sa kapalpakan ni Zach." wika ni Maki. Napabuntong-hininga si Gio.

Kung tutuusin, hindi naman pumalpak si Zach sa pagkasunog ng bar. Pumalpak siya nang silaban niya ang talahiban na tinakbuhan ng isang sasakyan at iilang motor. But Zach had no choice. Kung hindi, masusundan sila sa loob ng Navarro Estate, lalong hindi pwedeng mangyari iyon.

Doon nakilala ng mga kalaban gawa ito ni Zach. Ilang kilometro nalang ang layo nito sa East gate ng Navarro Estate. Pero kung tutuusin, hindi niya masisi si Zach nang marinig ang buong kuwento. He still has Zach to thank for saving Aria.

Gio and his siblings have to be extra alert from now on.

+++

"Anong gusto ng panganay na Navarro?" tanong ni Christian sa babaeng detective. Wala na sila sa opisina at nasa apartment sila ni Kristy pero trabaho pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Gusto niyang palabasin na aksidente ang sunog."

"Aksidente? Eh gawa 'yun ng arsonist!" sagot naman ni Dave.

"Gusto nilang protektahan iyong arsonist na iyon ah!" naiinis na wika ni Dave.

"I knew it, may baho ang mga Navarro. Detective Kristy, now is your chance!"

Napabuntong-hininga si Kristy. May utang na loob ang pamilya niya sa mga Navarro. Hindi lang iyon, may isa pa siyang utang na loob dito. In short, we are under Gio Navarro's control.

Hindi maintindihan ni Kristy kung bakit kating-kati si Dave patumbahin ang mga Navarro. Paano mo kakamuhian ang mga Navarro? Mas maraming naiambag ang pamilyang ito kaysa sa mga Fajardo, ang political dynasty na namumuno ngayon sa bayan ng Ganza. Suspetya pa nga ni Kristy na kung tumakbo bilang mayor ang panganay na Navarro, baka pa manalo ito.

Halos hindi na naririnig ni Kristy ang mga pinagsasabi ni Dave habang nililista nito ang mga akusasyon kay Gio Navarro. She's been observing the man from a distance. Alam niyang malinis ito, well with some exceptions.

Maaring isa siyang detective, pero hindi ibig sabihin ay palagi siyang mabuti. Kristy reached at the gun under her hand and shot from under the table. Sigurado siyang tinamaan ang atay ni Dave. The next shots were into his head. Napatigil naman si Christian sa kinatatayuan. Siya naman ang tinutukan ni Kristy ng baril.

Tinaas ni Christian ang kanyang mga kamay. Kahit pa may dala rin siyang baril, hindi siya lalaban sa kanyang boss.

"Woah Ma'am!" wika ni Christian.

"Inunahan mo ako. I was thinking of the same thing."

Kinagulat ito ni Kristy. Nagsuot si Christian ng isang pares ng gwantes at may hinugot sa bulsa ng bangkay ni Dave.

"Do you know what's this?" tanong ni Christian. Nilapit ni Christian ang wallet na may isang emblem kay Kristy.

"This wallet is only owned by Fajardo allies." paliwanag ni Christian. Itinuro niya ang emblem ng mga Fajardo na naka-engrave sa balat na wallet.

"Oh my God." wika ni Kristy.

"I see you're with the Navarros." sagot ni Christian.

"Don't worry, Ma'am. We are on the same side." dugtong nito.

Oh my God, indeed. 

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now