12: Unplanned Trip

65 9 1
                                    

Gio went through the motions of someone in vacation. Hindi ito ang first time niya sa Palawan. Isa pa, nakapunta na siya sa parehong hotel at resort na pupuntahan niya ngayon. This must be Ali's way of forcing him on vacation. Ayaw man niyang aminin, he needed to take a break too. Lizzie's firm is quite a racket to handle.

Pagbaba ng van galing airport, binati si Gio ng mga crew ng hotel at sinabitan ng isang hawaiian na kwintas. Laking gulat niya nang makita niya ang pigura ng isang matangkad na babae sa front office.

Victoria Fajardo is here. Is this fate playing tricks on him?


Lizzie and C.C. urged her to be in this "business trip." Mr. Sy would love to meet on a hotel and resort in Palawan, all expenses paid daw. Aria had no choice dahil inasikaso rin ni C.C. ang lahat. Nang magtanong siya sa front desk, magkasama ang kanyang pangalan at pangalan ni Gio sa iisang kwarto.

She's clearly been set-up.

Aria would love to punch Gio Navarro's face when she saw him walk in. Kaso, he looks surprised as she was. Isa pa, naka-charge ang kwarto sa pangalan ni Gio. Naalala bigla ni Gio ang isang questionable na email nung isang araw tungkol sa kanyang credit card. Hindi niya ito pinansin dahil akala niya isa lang itong spam pero it all suddenly made sense. Tinawagan ni Gio ang alam niyang salarin nito.

"Sugo ka ng demonyo, Alistair Navarro!!! All expenses paid ka diyan!!!" sigaw nito sa kanyang cellphone. Napatingin lang ang mga empleyado ng hotel at iba pang mga guest sa lakas ng boses ni Gio. Na-conscious bigla si Aria sa mga tingin.

"Enjoy, kuya!" wika ni Ali mula sa kabilang linya habang natatawa at biglang binaba ang tawag. Napatitig lang si Aria sa galit na si Gio.

"Akala ko I'm here for a business trip." umpisa ni Aria. Noticing how Gio already figured things out.

"Sabi ni Ali, some college friends want to see me." hindi makapaniwalang sagot nito.

So this is really a set up. Nakatitig lang ang front office personnel sa kanilang dalawa.

"Uhm sir, if you could confirm your registration para po maihatid na namin kayo sa kwarto n'yo." wika ng receptionist. Lumapit naman si Gio at nakipag-usap ng maayos.

Kinuha na rin ng isang bellboy ang kanilang mga gamit. Matapos makipag-usap ay pinuntahan ni Gio si Aria.

"Nandito na rin lang tayo, might as well enjoy it." wika niya sa dalaga.

Hindi pa rin makapaniwala si Aria. Kaya pala nagpupumilit si Lizzie at C.C. sa "business trip" na ito. Lizzie and C.C. was probably just playing matchmaker.

"Kuwento ni Charmaine, you're workaholic as me. Take this as a break."

Tiningnan lang ni Aria si Gio. Ano bang alam niya sa personal niyang buhay?

"Hati tayo sa bayad nito. I won't mind paying." sagot ni Aria.

"It's fine."

"Ganoon ba talaga karami ang pera mo?"

Ngumiti si Gio. No, he smirked. Nang mapansin niya iyon, naalala niya ang yabang at confidence ni Ali. He also had that confident charm. Navarro eh.

"Sakto lang,"

Nang makarating sila sa kwarto ay napapailing si Aria. Of course, they're sharing a room. Si Gio lang ang nakikinig sa mga sinasabi ng bell boy.

"Mr. and Mrs. Navarro, I hope you enjoy your stay. Just press one on the telephone if you need room service. Magandang araw po." wika ng bell boy bago lumabas ng kwarto nila.

Blood for Blood (Blood Series 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now