Kabanata 1

9.1K 240 33
                                    

Kabanata 1

There is no right or wrong way of grieving because death affects everyone differently.

At least, that's what I'd like to believe to justify my actions while grieving and the person I've become the moment I lost my mother.

"Condolence, Irish." nag - angat ako ng tingin at nakita ko ang nakayukong si Aling Nenita.

"Condolence," ani naman ng katabi niyang si Aling Brenda na kagaya ng kaibigan ay hindi rin makatingin sa akin.

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang dalawa. Nang wala silang narinig ay mabilis din silang umalis sa harapan ko na para bang napapaso, dahilan para muli kong matanaw ang kabaong ni Mama sa aking harapan. 

Kumirot ang puso ko at muling nagbara ang aking lalamunan. Nagtiim bagang ako at kinuyom nalang ang aking kamao para pigilan ang luhang nagbabadya nanaman.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kabaong para sundan ng tingin ang dalawa. Umupo sila sa mahabang upuan sa gawing kaliwa. Tahimik si Aling Nenita at tulala sa kabaong ni Mama, habang si Aling Brenda naman ay patuloy sa pagbulong sa kanya.

When someone died, some people will feel guilty about everything, while some never seem to feel guilty at all. They stay the same, even with all the guilt.

Nakita ko na tumulo ang luha ni Aling Nenita.

And for the first time simula nung nawala si Mama, gusto ko matawa.

The thing about death is it snatches away all our chances to apologize. What you did to torment the person before she died will haunt you.

Guilt is the agony of what you did.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila makatingin sa mata ko. Iyon ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Nenita.

Nagsisisi siya dahil sa pagpapahirap ng mga chismis nila tungkol kay Mama noong nabubuhay pa ito.

Maaaring para sa kanila ay simpleng chismisan lang 'yon noon, pero ngayon na nakita na nila kung gaano katindi ang epekto ng bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila sa taong pinag – uusapan, ibang usapan na.

"Baka pokpok!"

Napapikit ako dahil hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang ilan sa mga salitang binabato nila kay Mama.

"Walang asawa pero may anak, naku, baka nga!"

Sa loob ng dalawanpung taon ng buhay ko, my mother endured the evilness of this town. She was an outcast. No one really likes her here.

Siya ang almusal, tanghalian, at hapunan ng mga chismosa sa buong San Nicolas.

And you know what’s fucked up? 

Dahil lang 'yon sa pagiging single mother niya.

Nakakagalit kung paanong lahat silang mga wala naman talagang alam sa totoong kwento ng buhay niya ay ang kakapal ng mukha na magsalita na parang alam na alam nila ang lahat.

Some death will make you angry.

My mother’s death makes me so angry. 

Sa loob ng dalawang araw na patay si Mama, ginawa kong distraksyon ang galit ko sa mga taga San Nicolas laban sa sakit, laban sa sobrang sakit.  

I'd imagine them inside the coffin instead of my mother.

Tutal ay sila naman talaga ang dahilan kung bakit nag suicide si Mama dahil wala silang ginawa kundi pumutak nang pumutak.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon