Kabanata 9

7.1K 287 28
                                        

Kabanata 9

“You know what, screw him! Kung ayaw niya makipag cooperate, edi huwag!” Aina snapped after I told her what happened.

Bumuntong hininga ako. Ibinaba ko ang bag ko sa center table ng kanyang condo bago ibinagsak ang sarili sa couch.

“Maybe, he's still thinking about it?" I shrugged.

Aina scoffed.

“Bullshit! It's been weeks and you still haven't heard a thing, Irish! It's clear that he's avoiding the topic!"

Hindi ako nakakibo. Pinaglaruan ko nalang ang labi ko at natulala sa malaking flat screen TV sa aming harapan.

Sa totoo lang ay ayoko sanang isipin na tama si Aina. I'd like to think that the reason why Nathan keeps on avoiding my proposition is because he's just busy.

But as of last week, his exam is officially over. So he'll have no excuse now but to give me an answer.

Naramdaman ko ang pag - upo ni Aina sa tabi ko. I glanced at her at agad ko napansin ang ngisi niya.

“Oh my gosh, Irish! I think I just found you a way out!" she gushed.

My eyes widened a bit. Inabot niya sa akin ang kanyang cellphone na agad ko naman tinanggap. There, I saw a poster of a modeling agency that is based in New York.

“My sister is also a model in that agency. They are currently looking for new models that they can train para maipadala sa New York, and you just got lucky because once na magustuhan ka nila?" Napailing siya at mas lumaki ang ngisi.

"They will immediately make you sign a contract and all your expenses will be paid by their agency throughout your training!" niyugyog niya ang balikat ko. “Trust me, Irish. This is legit. This is definitely one hell of a way out!”

Kinagat ko ang labi ko. Nabalot ako ng excitement pero at the same time ay takot. Takot dahil baka hindi nila ako magustuhan.

“Huy, ayos ka lang?” rinig kong tanong ni Aina.

Nilingon ko siya.

“Tingin mo....tingin mo matatanggap ako?” nag - aalala kong tanong.

Kumunot ang noo niya saglit bago natawa.

“Seryoso ka?!” hindi makapaniwala niyang tanong.

“Alam mo ikaw, I don't get you! Hindi mo ba nakikita 'yung sarili mo sa salamin?!"

Nang hindi ako sumagot ay hinila na ako ni Aina papunta sa kanyang kwarto. Huminto kami sa malaking salamin niya sa kanyang walk in closet.

“Look at you! Fair skinned, expressive eyes, pointed nose, and pink lips! Your legs are long, you have boobs, your body is toned and your curves? Lalagnatin ang mga lalaki sa tambok ng pwet mo! Kaya anong iniisip mo dyan?!" tinaasan niya ako ng kilay.

Natawa ako and at the same time, nangilid ang luha ko. I appreciate Aina, so much. Ang insekyuridad ko kanina ay agad agad nawala.

"Trust me on this, Irish. You got this!" kinindatan niya ako.

Kaya naman pakiramdam ko, nabunutan na ako ng tinik sa aking lalamunan.

If Nathan is not answering me because he wants me gone as soon as possible, then bahala siya! Now that I have another way out, hindi ko na kailangan pa ma-stress sa pagpayag niya!

Sa mga sumunod na araw, naging pursigido akong ayusin ang mga papeles na kailangan para sa visa at mga requirements na kailangan ng agency.

Halos hindi ko nga napansin na sem break na bukas. Finally, makakalaya na ako sa acads!

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now