Kabanata 11
"Irish, hindi mo naiintindihan! Kailangan mo sumama sa akin, lalayo tayo!"
Inihilamos ni Timo ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha habang paulit - ulit na umiiling.
"Dalin mo ko sa kaibigan ko," mariing sabi ko, ngayon ay nauubusan na ng pasensya.
Umigting ang panga niya bago humugot nang malalim na hininga.
"Irish naman, may plano ako para sa atin! Magtiwala ka naman sa akin!" pagmamakaawa niya.
Napapikit ako nang mariin.
"Nagta-trabaho ako sa isang private security company dahilan kung bakit ako nagkaroon nang kakayahan na mag - imbestiga. May pabahay ang kumpanya namin sa Zamboanga, doon tayo titira habang pinaplano natin kung paano gagantihan ang mga Quintero!" sigaw niya.
I can't help but scoffed.
"At sa tingin mo sapat na 'yon para mapabagsak sila?"
I gritted my teeth habang umiiling.
"Hindi, Timo! Makapangyarihan ang mga sinasabi mo na pumatay kay Mama kaya hindi uubra ang plano mo!"
Huminga ako nang malalim.
"Itutuloy ko ang pag - alis ko ng Pilipinas, Timo. Sa isang linggo na ang flight ko papuntang New York."
Umuwang ang labi niya sa sinabi ko.
"Ito ang plano ko para sana hindi makasal kay Nathan, ngayon itutuloy ko pa rin para magkapera at magkaroon ng kapangyarihan."
I swallowed hard.
"Huwag ka mag - alala sa akin, kaya ko ang sarili ko. Salamat sa pagsasabi sa akin ng totoo, magkita nalang tayo pagbalik ko," pinal kong sabi.
Natulala siya sa akin. Nakita ko na tuluyang naubos ang pag - asa niya kasabay ng pagbagsak ng kanyang balikat.
Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang.
"Irish, ipangako mo na babalik ka," aniya pagkatapos ng ilang saglit.
Tumango ako.
Parehas kaming natahimik sa byahe papunta sa condo ni Aina. Nang huminto ay nilingon ko muli ang kaibigan.
"Mag - iingat ka, Timo," paalam ko.
Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan. Sa entrance ng building ay nakita ko na si Aina na naghihintay sa akin. Nang makalabas ay muli ko binalingan si Timo.
He looks so lost.
"Babalik ako," pangako ko sa kanya.
Tumango lang siya kahit na halatang hindi nagustuhan ang naging desisyon ko.
I felt like I've experienced the five stages of grief once again, only this time, there are more emotions hidden under the surface of my anger.
I was angry because of being tricked and rejected.
I was angry at myself because of the overwhelming guilt and regret that I have for my mother.
I was angry for the trauma and the pain that I have to endure all the days of my life.
-
Exclusive on É
Nathan Quintero and Aliah San Miguel are officially engaged!
Iyon ang balitang bumungad sa akin pagdating ko sa condo ni Aina.
It turns out, I almost made it to our engagement party that was never meant for me in the first place.

YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...