Kabanata 8
"Are you really sure that you don't want to press charges?" kumpirma sa akin ni Sebastian kinabukasan.
Agad akong tumango.
"Look, we will completely understand kung gusto mo magsampa ng kaso. Tutulungan ka pa namin," si Adi.
Nginitian ko ang dalawa habang umiiling.
"Ayos lang talaga, ang hiling ko lang naman ay huwag niya na ulitin," ani ko.
Sebastian sighed in defeat. Tinapik niya ang balikat ko bago tumango at tumayo na mula sa pagkakaupo sa aking kama.
"But Kuya! This doesn't change the fact that we should fire Manang Amor, right?" frustrated na apila ni Adi.
Natulala saglit si Sebastian pero sa huli ay tumango na rin.
"Fine! But I still think that you should press charges!" pangungumbinsi pa rin ni Adi sa akin.
Sa totoo lang ay ayoko naman talaga na humantong kami sa ganitong sitwasyon, kaya nga ako umiiwas eh. Kaya lang ay ayaw talaga akong tantanan ni Manang.
"Grabe, Ma'am! Iyak nang iyak si Manang Amor kay Sir Sebastian at Ma'am Adi kanina habang nagmamakaawa na huwag siyang tanggalin!" balita sa akin ni Talin kinagabihan.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Pero deserve niya naman 'yon eh, grabe 'yung ginawa niya sa inyo, swerte pa siya na hindi kayo nagsampa ng kaso," dagdag niya.
Natahimik nalang ako dahil hindi ko maiwasan isipin kung paano nalang ang pamilya niya ngayong nawalan siya ng trabaho.
I know it's beyond my control at hindi ko naman talaga kasalanan pero hindi ko maiwasan isipin na sana hindi ko nalang talaga pinalaki.
I sighed.
It's not my fault and I need to remind myself that how others act is beyond my control.
Dahil kung talagang concern siya sa kanyang trabaho, hindi sana siya gagawa ng isang bagay na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya ito.
Mabuti nalang ay sa sumunod na araw ay nakapasok na naman ako sa school. Agad nga na nag tanong si Aina at Renz kung bakit ako absent kahapon pero minabuti ko na huwag nalang ipaalam sa dalawa ang nangyari.
Nagsinungaling nalang ako na masakit ang puson ko para hindi na humaba pa.
"I hate my group!" mariing reklamo ni Aina paglabas namin ng classroom sa araw na 'yon.
Sabay namin siyang pinandilatan ni Renz dahil baka marinig siya ng mga kagrupo niya.
"What? I don't care! I can feel it na kasi, puro pabuhat lang ang mga 'yon!" she hissed.
I chuckled. Inakbayan naman siya ng natatawang din na si Renz.
"Ayos lang 'yan, Ai. Ka-group mo naman 'yung crush mo eh!" asar niya.
Agad namula ang mukha ni Aina at hinampas ng bag si Renz.
"I hate you! Palibhasa mag ka-group kayo ni Irish kaya ang saya saya mo!"
Nga lang ay hindi ko na narinig ang sagot ni Renz dahil nakuha na ng nakatayong si Nathan sa malayo ang atensyon ko.
Napalunok ako at agad nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam na ngayon ang uwi niya dahil hindi niya naman nabanggit.
Nilingon ko na ang nag - aaway pa rin na mga kaibigan para magpaalam.
"Guys, una na ko ha?" paalam ko.

YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...