Kabanata 15

7.6K 234 8
                                        

Kabanata 15

"Hindi mo pa rin ba ma-contact?" nag - aalala kong tanong kay Aina.

Kunot noo siyang umiling.

Kinagat ko ang labi ko at mas lalo lang tumindi ang guilt ko sa naging sagutan namin ni Timo nung isang araw.

I should've been more careful with my words. Baka nga talagang nasaktan ko siya at iniisip niyang mas may tiwala na ako sa mga taong dapat ay nilalayuan ko.

"Out of coverage pa rin e, wala na ba tayong ibang pwedeng tawagan?" suggestion niya.

Nagbuga ako ng malalim na hiniga.

Wala naman kasi akong kilala sa mga kasamahan ni Timo. I only know that he works for The Troops Corp. Iyong private security company na kagaya ng Cascade International.

Nga lang ay baka masyado naman OA kung sa mismong kumpanya nila ko siya hahanapin

Lalo na't malaki ang posibilidad na iniiwasan niya lang ang tawag ko dahil nagpapalamig siya.

"Paano na? Aalis ka ba talaga?" tanong ni Aina habang pinagmamasdan akong kinukuha ang gym bag na dadalhin ko papuntang Ilocos.

Tumango ako.

"Oo, mas okay sana kung kasama si Timo pero kaya ko naman." pinasadahan ko ang naka ponytail kong buhok bago bahagyang nginitian ang kaibigan.

"Don't worry, I'll be fine!" pagpapagaan ko sa loob niya.

She frowned while shaking her head.

"Hintayin mo nalang kasi na maging okay 'yung airport sa Laoag para hindi ka na mapagod mag travel by land."

Umiling ako.

"Hindi na, sayang kung mag - iintay pa ako ng schedule next week kung bukas lang ay makakarating din naman ako doon."

Pagod siyang bumuntong hininga.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka mag drive ng 10 to 12 hours! Basta mag - iingat ka ha!" nanlalaki pa ang mata niya.

"Gabi na kaya kung inaantok ka, mag stop over ka na muna!" paalala niya.

Ngumisi ako bago nakipag beso sa kanya.

"Opo, Ma'am Aina! Sige na, alis na 'ko!" paalam ko.

Hindi na kasi talaga ako makapag - intay na maka-usap ang doktor na nag autopsy kay Mama at ang mga posibleng witness nung gabing 'yon.

I just hope na may patunguhan ang gagawin kong ito.

Nga lang ay pagdating ko sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko, nakita ko agad si Nathan na nakasandal doon.

Agad kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" nalilitong tanong ko.

Mabilis siyang umayos ng tayo bago ngumiti sa akin.

"Ah..." lumipad ang kanang kamay niya sa kanyang batok habang kinakagat ang kanyang labi.

Tumaas ang kilay ko.

"Ano, nabanggit kasi ni Adi na pupunta kang Ilocos ngayon at hindi ka raw pumayag samahan ka niya kaya naisip kong baka kailangan mo ng kasama," medyo nahihiya niyang sabi.

Napalunok ako.

This is new.

Ngayon ko lang siya nakitang nahihiya, ah?

Napansin ko ang mercedes-benz niyang katabi ng sasakyan ko. Sinundan niya naman ang tingin ko kaya nakita niya ang paninitig ko doon.

"Let's use my car, I'll drive you to Ilocos!" masiglang sabi niya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now