Kabanata 16
"Sorry, hindi ko namalayan na nakatulog ako," hiyang - hiya na sabi ko pagkagising.
Nakita ko na tumango lang si Nathan habang humihikab. Halata ang pagod at antok sa kanyang mukha kaya nakaramdam tuloy ako ng awa. Madilim pa nung nakatulog ako at mataas na ang sikat ng araw ngayon kaya hiyang hiya talaga ako!
"Ayos lang," sagot niya bago ako nginitian.
"Good morning, lakas ng hilik mo ah?" dagdag niya.
Uminit ang pisngi ko at hindi napigilan sapakin ang braso niya.
"Ouch!" reklamo niya habang tumatawa.
"Hindi ako humihilik 'no!" singhal ko.
"Sabi mo eh." nagkibit balikat siya habang nakangisi.
Inirapan ko nga at sa bintana nalang muna tumingin. Hanggang ngayon nag da-drive pa rin siya pero base sa mga nadadaanan namin ay mukhang nasa Ilocos na naman kami.
"Breakfast muna tayo, saan mo gusto?" narinig kong tanong niya.
Muli ko siyang binalingan.
"Sa Hotel nalang tayo kumain, tapos mamayang hapon nalang tayo pumunta sa ospital."
Kumunot ang noo ni Nathan.
"Bakit? Akala ko ba nagmamadali ka?"
Umiling ako at hindi na nagsalita.
Is he seriously thinking na tutuloy kami agad sa pag iimbestiga sa itsura niya? He looks so exhausted. Para naman akong walang puso kung hindi ko siya pagpapahingahin. Saka ang sakit na ng pwet ko kakaupo ano!
Kagaya nang napag - usapan, sa hotel na nga kami nag breakfast. Kahit na nakatulog ako sa sasakyan kanina, pagod pa rin ako at antok kaya nga hindi ko ma - imagine kung ano ang nararamdaman ni Nathan ngayon.
"Stop it, ang dami na!" saway ko dahil panay lagay niya ng pagkain sa pinggan ko.
He frowned.
"Hindi ka naman tataba diyan eh, isipin mo nalang cheat day!" kumbinsi niya.
Napailing ako. Sa huli ay hindi rin ako nanalo sa kakulitan niya kaya nakain ko rin lahat. Ngayon palang tuloy napapagod na ko sa naiisip kong madadagdag sa work out routine ko para lang ma-burn ang mga kinain ko.
"Nako, Ma'am and Sir, sorry po! Holiday po kasi kaya isang room nalang ang available," paghingi ng pasensya ng receptionist.
Nagbuga ako nang malalim na hininga. Great! Just great! Pakiramdam ko ay nasa isa akong romantic movie at kaming dalawa ang bida!
Nilingon ako ni Nathan. Wala siyang reaksyon at tinitignan lang ako.
"Ano?!" singhal ko.
"Ayos lang sa'yo?" pa-inosente niyang tanong.
Umirap ako dahil halata naman na gustong - gusto niya ang nangyayari. Ako na mismo ang nakipag - usap sa receptionist para kunin ang key card ng room namin. Nang muli kong nilingon si Nathan ay naabutan ko ang ngisi niya na agad niyang tinigil nang makitang nakatingin ako.
See? Tuwang tuwa ang ungas!
"Sa sofa nalang ako, baka mamaya sabihin mo 'di ako gentlem-" natigil siya sa mga litanya niya nang samaan ko siya ng tingin habang nasa elevator kami.
Maayos naman ang kwarto. Malinis pero wala naman masyadong espesyal at kagaya lang din ng karamihan ng mga five star hotel na napuntahan ko noon.

YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...