Kabanata 4

5.6K 216 20
                                    

Kabanata 4

I was very determined to leave but it's just so happened that I was also very unlucky and late.

Isang oras kasi pagkatapos ng gulong nangyari sa hapag ay nalaman ko na nagmamadaling umalis si Tito Alfonso kasama ang asawa para sa isang confidential meeting abroad.

Hindi pa nakatulong na sa isang linggo pa ang balik nila at mariing bilin daw ni Tito na hindi ako pwedeng umalis sa mansion.

In short, I am really stuck here for another week whether I like it or not.

Nanatili nalang ako sa kwarto maghapon at nang dumating ang hapunan, nagulat ako na ako nalang ang mag - isa sa hapag at tanging si Talin nalang ang kasama ko.

“Ay, hindi po ba nasabi sa inyo?” napakamot siya sa kanyang ulo pagkatapos ko tanungin kung nasaan ang magkakapatid.

“Madalas po kasi mag bakasyon sila Sir sa ibang bansa e,” sagot niya.

“Hindi po ba nasabi ni Sir Nathan na ngayong araw ang alis nila pupuntang Japan?” tanong niya.

Umiling ako. Nakita ko na parang si Talin pa ang nahiya dahil hindi ko 'yon alam kaya nginitian ko nalang siya para ipakitang ayos lang 'yon.

Honestly, I felt relieved. Pakiramdam ko nga ay ngayon lang ako nakahinga nang maluwag simula kahapon.

Kahit na tuloy kinakailangan ko pa manatili dito ng isa pang linggo ay mukhang matatahimik naman ang buhay ko kaya ayos na rin.

I just have to wait patiently sa pagbalik ni Tito.

Saglit na nagpaalam si Talin para kumuha ng dessert sa kitchen kaya sinamantala ko 'yon para pagmasdan ang paligid. 

Mahaba ang dining table na gawa rin sa narra at ang paligid ay punong - puno ng mga antique na palamuti.

Nanatili ang tingin sa malaking parihabang salamin sa gitna ng dining room kung saan nakita ko ang sariling repleksyon.

Inayos ko ang mahabang buhok at inilagay sa kanang balikat. For some reason, I look so down and sad, just like this room.

Malaki naman ito at maganda, puno rin ng mararangyang bagay pero mukhang malamig at malungkot dahil nag - iisa lang ang tao.

Muli tuloy bumalik sa alaala ko ang nangyari kaninang umaga sa lugar na ito.

Hindi naman siguro lahat ng mayayaman ay ganon, hindi ba?

Kahit kasi kaming dalawa lang ni Mama noon, hindi naman dumating sa punto na nag away kami sa harapan ng pagkain.

It makes me sad thinking about the Quinteros, especially for Tito Alfonso.

It makes me sad because at the end of the day, his accomplishment will never compensate for his failure in his own home.

Kung sakali man na magkakaroon ako ng pamilya sa future, sisiguraduhin ko na mabubuo kami at hinding - hindi mangyayari sa amin ang nangyari kanina.

I'll make sure my child will live in a harmonious environment with love and warmth that comes from me and my husband.

And that's just another reason why I can't marry that guy. It's so obvious that Nathan Quintero doesn't like me. Hindi ko rin naman siya gusto.

Paano mabubuhay ng masaya ang mga anak namin kung hindi naman nagmamahalan ang mga magulang nila 'di ba?

Siguro dahil sa pagod at stress ay napasarap ang tulog ko. 

I smiled as soon as I opened my eyes the next morning.

Tumatama na sa aking mukha ang sikat ng araw na nagmumula sa malaking balkonahe ng aking kwarto at bagama't sarado ang glass door doon ay naririnig ko pa rin ang mga huni ng ibon sa labas.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon