Kabanata 5

5.6K 207 29
                                    

Kabanata 5

“Galit na galit po talaga si Sir Nathan, Ma'am! Takot na takot kami kasi first time namin siya nakitang galit!” ma-dramang kwento ni Talin sa akin kinabukasan.

“Kinausap niya po kami at tinanong kung ano talaga ang nangyari, kaso pasensya na Ma'am ah? Hindi po ako nakapagsalita eh." nalungkot ang boses niya.

Nginitian ko siya bago ako umiling.

"Ayos lang, naiintindihan ko,” ani ko.

Bumuntong hininga siya bago napakamot sa kanyang ulo.

“Pero Ma'am sana sinumbong mo si Manang! Grabe naman talaga 'yung ginawa niya sa'yo eh!" suggestion niya.

I sighed.

Ayoko lang talaga ng gulo.

“Pero ayon nga Ma'am, binilinan nalang po kami ni Sir Nathan na hindi kayo pwedeng lumabas ng kwarto hangga't di pa po kayo magaling."

Napalunok ako sa narinig.

I can still hear his voice in my head. Nasaktan talaga ako sa mga salitang pinakawalan niya kagabi.

Hindi naman talaga ako nagpapaawa pero ang malaman na naiirita siya sa simpleng expression ko ay masakit talaga.

Nevertheless, I'm thankful na inisip niya pa rin ang kapakanan ko kahit na ayaw niya naman sa akin.

Feeling ko tuloy dahil sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraan, I can now relate to what my mother felt before.

She's always walking on eggshells. It's like she's always trying not to piss everyone in that town and yet she still failed miserably every single day.

Hindi ko alam kung paano niya kinaya mabuhay sa ganong klaseng lugar. Halos isang linggo palang ako sa lugar na ito at sa tingin ko ay suko na talaga ako.

“Alam mo, Ma'am, sobrang bait po ni Sir Nathan kaya swerte ka na siya ang mapapang asawa mo." nakangiting sabi ni Talin.

“Maaalalahanin po siya, matulungin at maayos palagi mag salita sa amin, bonus pa na sobrang gwapo at linis tignan ni Sir! Crush ko nga siya, Ma'am eh!" Kinikilig niyang sabi.

“Ay! Sorry Ma'am! Crush lang po ha? Wag ka magalit!" uto niya sa akin.

Natawa nalang ako.

Nagpaalam na si Talin dahil tapos na rin naman ako kumain ng almusal. Nga lang ay nanatili sa isip ko ang mga kwento niya.

Naisip ko na siguro kung sa ibang pagkakataon lang kami nagkita ni Nathan, hindi siguro siya ganito kalupit sa akin.

Kung talagang mabait siya ayon sa kwento ni Talin, then it means hindi niya lang talaga masikmura ang presensya ko. Naiintindihan ko rin naman at hindi ko siya masisisi.

Sayang lang.

Kung hindi lang sana kami nasa sitwasyon na ganito, baka may pag - asang maging magkaibagan din kami.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” si Tito Alfonso kinabukasan.

Tumango ako at ngumiti.

Masaya ako dahil sa wakas ay nakauwi na siya. Ibig sabihin pwede na kami mag - usap tungkol sa kagustuhan kong kumalas sa usapan.

Umupo si Tito sa gilid ng aking kama habang nag - aalalang tinitignan ang paanan ko.

“Tito, pwede ko po ba kayo maka - usap?" Tanong ko.

Natigil siya sa pagsusuri sa aking paanan. Nag - angat siya ng tingin bago tumango.

“Oo naman, may kailangan ka ba?” tanong niya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon